Prologue

679 13 8
                                    



Ryleigh Allyson Mangahas


Bakit may mga taong mahilig magbigay ng mixed signals?


Bakit din may mga taong nagsesettle rito?


Marahil ba gusto nila 'yung tao? hindi ba tanga ang tawag nila roon?


At habang ako'y nagtatapos sa kuwento ng aking buhay, napagtanto ko na ang mga taong mahilig magbigay ng mixed signals ay maaaring nagdudulot ng kaguluhan sa mga damdamin ng iba.


Subalit sa kabila nito, may mga taong nagsesettle sa ganitong sitwasyon. Marahil, iniisip nila na ito ang tama o sa huli, mahalaga na makasama ang taong iyon kahit pa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mixed signals. Ngunit ang tawag ba rito ay 'tanga' nga ba?


Bigla akong natauhan ng balibagin ako ng notebook ni Azalea, one of my closest bestfriend.


"Nalulutang ka nanaman, ano nanaman ba 'yang iniisip mo?" sabi niya. "


"Grabe makahampas ha? buong pagkatao ko natauhan." sabi ko habang kinakamot ulo ko.


"Ikaw naman kasi, kanina pa ko dada nang dada rito tapos hindi ka naman pala nakikinig, akala ko naman tama lahat ng sinasagot ko sa'yo. Next question na." saad niya at inabot sa'kin 'yung reviewer niya. nakalimutan ko pala, nagrereview nga pala kami para sa entrance exam ng STEM.


"Naisip ko lang, why do you think people settle for less? like they settle on people that aren't sure about them?" nagulat siya sa sinabi ko dahil wala naman ito sa reviewer niya.


"Hala ka, inlove ka 'no? mga tanungan mo ha, wala na sa nirereview natin." nag-iba bigla ang tingin niya sakin. hindi ko rin naman siya masisisi kahit ako man ay tanungin niya ng ganon, ganiyan din magiging reaction ko.


"Na-curious lang ako, 'wag ka ma-issue. Pero hindi ba tanga tawag don? like dude, why would you settle for that? jusq, e ikaw lang din naman mahihirapan sa huli." totoo naman diba? kaya nga lagi nilang sinasabi na, sa una lang masaya.


"Wow, may point ka. Pero what if don sila masaya? iba 'yung saya nila sa taong yon, na kahit masakit, sila pa rin 'yung sakit na pipili-piliin nila?" napaisip ako sa sagot niya.


May mga taong minsan lang din sumaya, kahit mapagsabihan silang tanga ay ilalaban at ilalaban pa rin nila yung tao na 'yon kasi mahal nila. Nakakatanga nga talaga 'yung pag-ibig na yan kaya dapat matalino ka kasi kung mahal mo, bakit mo sasaktan? joke, kwento ko nga pala 'to.


"Kahit na, hindi ba nila naisip na sobra na 'yung pagmamahal na binibigay nila? hindi ba sila naaawa sa sarili nila? e halos isugal na nila lahat para sa taong yon. Kaya nga tayo sinasabihan na kung magmamahal man tayo dapat 50/50 para may matitira sa'yo para hindi ka talo." bigla siyang napaisip sanhi ng pagkangiti niya. Nababaliw na ata siya, minsan naiisip ko na mas baliw siya kaysa sakin.


"Bakit daw sila nag-sesettle for less? ikaw nga nag-settle sa admiring from afar na may mixed signals, slash na dapat ay kaklase lang non." pang-aasar ni Azalea na sinamaan ko naman ng tingin.


Nanahimik ako bigla, tama naman kasi siya. Wala akong laban don, hindi ka talaga papalag diyan pag nang-realtalk yan. Babaril ka pa lang, patay ka na dahil sa pang-raratrat niya.


"Matagal na 'yon, naka-move on na't lahat, aba'y yan pa rin yung pangbara mo sa'kin, ikaw ata yung hindi maka-move on." totoo naman, it's been a month since the last time na nagkita kami.


"We? pano ka rin naman mag-momove on? hindi naman naging kayo, nanghihinayang, nanghihinayang ang puso ko." pag-awit niya pa, wala na talaga siyang magandang gawin kundi asarin ako.


"Pero seriously, kundi ka kasi tatanga tanga edi sana naging kayo? o kaya kausap mo pa kung sakali. Halos lahat naman kasi nasasayangan sainyo, kaya nagtataka lahat pag sinasabi mong hindi naging kayo."


In fact, tama nanaman siya. Lagi nalang siyang may tama. Akala ng lahat naging kami kahit hindi naman talaga, isa rin ako sa nag-settle sa mixed signals. Kaya kinamumuhian ko ang mga taong nagbibigay ng mixed signals. Pwede naman kasing sabihin kung ayaw diba? hindi yung pinaaasa yung tao.


Pero, mixed signals ba talaga yon? o ako lang nagbibigay ng meaning sa bawat interaction namin na kahit maliit na bagay may meaning na sa'kin?


"Tama na nga 'yan, bigla ka nanaman nanahimik, puro lovelife nanaman kasi iniisip mo. Shs na tayo o, dapat nga puro aral nalang gawin natin kasi balita ko hindi na raw uso chill chill dito, kaya nga marami na ring nag-bbreak dahil busy sa acads." dami talaga nitong nalalaman, grateful naman ako dahil sinasabi niya rin sakin para parehas kami kakabahan.


"Tingnan mo yung teacher na lalaking dumaan na yon, isa 'yan sa sinabi ng kaibigan ko na nakakatakot daw jusko, yung tipong kakapasok pa lang, kabigat na kabod ng atmosphere." napatingin ako bigla sa labas. Well, kung tatanungin mo rin ako kung mukha ba? haha oo, nakakatakot nga.


Pero bigla akong napatigil ng bigla kong makita yung taong hindi ko inaasahan na makikita ko uli. Bigla akong kinabahan, bumilis ang tibok ng puso ko dahil ganito naman kasi talaga ako lagi kapag malapit siya sakin, pero mas iba ang feeling ngayon dahil ngayon ko nalang uli siya nakita.


It was my first time to see her again after namin mag moving-up. Nakangiti ito habang nakikipag-usap sa kaibigan niya. Ganon pa rin naman siya, iba pa rin talaga yung ganda niya, kung paano naniningkit ang kaniyang mata sa t'wing siya ay nakangiti or tatawa.


Magtatama pa sana ang aming mga mata pero inalis ko na 'yung tingin ko sakaniya. Ayoko kasing matunaw uli sa mga mata niya, dahil yung tingin niya yung nagbibigay sakin ng kahinaan na baka maging sanhi uli ng karupukan ko sakaniya.

Invisible Stringजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें