CHAPTER 1

20 2 0
                                    

Sabi kasi dapat, kahit di pa tumunog yung alarm pag nagising na, di na ulit pipikit. Bangon na agad! Instinct yun beh eh, instinct yun. Parang alam nang utak mo at ng katawan mo na may importanteng gagawin ka ngayon kaya kahit di pa tumunog alarm mo nagising ka na.
E 'bat naman kasi pumikit pa ulit eh!

"Aaarrrggggggg! Tawon! Iha paman tingali ni mo larga ug senior citizen nako. Lord tabaaang mo mata na lagi kog sayo di nako mag-Wattpad!" I mentally scolded myself. Good thing nag mask ako at least di nila halata na kinakausap ko na pala sarili ko in my very own native language.

Inikot ko ang paningin ko dito sa jeep na kasalukuyan paring nag hihintay ng pasahero. Ewan ko ba 'ke Mamang Driver, punong-puno na yung jeep. Wala nang bakanteng upu-an, pero iba yung pananaw sa buhay ni Kuyang nagtatawag ng pasahero sa labas ng jeep...

"Oy SM jan dalawa pa! Ganda! 'san kayo SM? dito o, larga na nato.. dalawa nalang kulang" sabay hampas hampas pa talaga sa ding-ding ng jeep eh..

Tatanungin ko na sana si Kuyang barker kung san nya pa uupu-in yung dalawang kolehilaya.. nang may hinila sya na kahoy pahaba mula sa ilalim ng upu-an ng jeep.

"Extension" sabay emphasize pa talaga sa hawak niya na kahoy.

I just shrugged my shoulders a bit. Nakita nya siguro yung kalituhan sa isip ko kanina kaya pa simple nyang in-explain para saan yung kahoy.

Aba! Malay ko naman dba? Alam ko lang naman na extension eh sa lashes, nails, hair at extention ng kuryente..

After placing the extension securely, umupo na din naman yung dalawang kolehiyala. White mid sleeves button down and dark green slacks ang uniform nila so di sila masyado na awkward pag upo dun sa extension. Matapos masiguro na okay na lahat lumarga na rin naman din 'tong jeep.

3 araw palang ako dito sa sentro. Kaka tapos ko lang mag graduate ng Senior High. Hindi ako nag-graduate ng may awards o ano paman. To put in words, I controlled my grades na sakto lang na pang-pasa ang maibigay ko kahit na, alam ko sa sarili ko na kahit konting-konting effort lang kaya ko nang lampasan kahit GPA pa nung tinaguri-ang valedectorian namin.. that fugg'n bitch! Panget na nga plastik pa ang hinayupak! Maka dikit at paawa sa teachers to gain symphaty kahit di naman siya kaawa-awa.

Pero in fairness yung grades nya sa sariling talino nya talaga yun, magaling naman kasi teachers namin di naaapektuhan ng kung ano man ang pag bibigay nila ng grades. Palagi nga nilang sinasabi eh na kami naman daw talaga gumagawa ng grades namin at taga-talaga lang sila.. so kung ano man ang makuha, base na yon sa efforts namin.

Kainisan ko lang talaga sa bruhildang yon yung pagpapa bida-bida nya lalamangan pa ata si Bubuyog.. e at least yun may manok! Masarap na manok! Finger-lickin, teka? tama ba yun? Ibang brand ata yun.. ah basta! E sya? Mukang buto! Buto na pa victim.. wait, meron ba nun? Kung Wala man yun dati ngayon meron na, siya na yun malamang!

'Chill babe, relax.. wag na nating dagdagan yung mga iniisip natin this day.. okay love?' I mentally noted myself.

I just soooo love myself. Sabi nga dba?

'Love and value yourself'

I removed my face mask and Out of habit, I calm myself with some breathing exercises.. bakit ba? Kahit alam ko na sikipan na kami dito sa jeep, ayos lang naman as long as walang amoy putok 'tong mga katabi ko.

Breath in.. breath out.. breath in.. bre-

"HALA! YAWA ENGKANTO!"
I mentally face palmed realizing that I am currently inside the jeep where a lot of eyes are now on me.

"Sorry po" I made some small bows apologizing to the people around me. Kahit pa alam ko di nila na intindihan yung pinagsasabi ko kanina, still I saw them flinched when I shouted shits a while ago.. and so I apologized.

I throw a glance back to the reason why those words escaped my lips

There.. sitting few seats from my front I saw the owner of the lightest brown eyes I have ever seen.. same eyes I have grown to love to stare back at me for good two years.. the man I thought I wouldn't see again.. One of the reasons that I choose a sudden change...

'Ivan Miguel Izandrell'

ding! A message popped up from my phone

Unknown number:

'Still loud as ever love.. miss me?'
-Vael


Fuck! Giatay na gyud!

__

A/N:  I am still working with the covers and everything.. I wrote this story for diversion of thoughts. It has been more than a decade since I wrote and all my works well, wala na.. natapon lahat. I use to write poems and stories way back. Ang daming nangyari at nangyayari, so I thought, why not write again? *Winks!


Risk With MeWhere stories live. Discover now