Vis

676 17 6
                                    

Kilala ako sa tawag na "Labo."

Walang ibang espesyal na ibig sabihin iyon bukod sa dahilan na malabo lang talaga ang mga mata ko. Near-sighted sa madaling salita. Sa akin napunta ang paghahanap ng odd-jobs noon. Kahit anong trabaho. Basta puwede namin pagkakitaang magkakabarkada.

Nang makatapos sa kolehiyo, akala ko ay makakapagtrabaho agad kami ng mga kaibigan ko.

Akala naming lahat, magiging madali ang buhay dahil may diploma na kami pero hindi pala. Walang madali sa kahit na anong sinubukan namin. Hanggang sa naisipan namin na ipagpatuloy na lang ang hilig noong nasa kolehiyo. Napagdesisyunan namin na bumuo na lang ng grupo. Ang Research Club!

Corny man dahil puro kami maton, trip na namin ito noon pa man. Ghost hunting at paghahanap ng mga bagay na susubok sa tapang namin.

Hindi ko rin naman inakala na maaari namin itong pagkakitaan at may mga talent kami na kung kailan tumanda ay saka lang madidiskubre. At ano pa nga ba? Wala naman akong mapagkakakitaan at kailangan kong maging praktikal kaya sumali na ako.

Si Arnold ang may ideya na buuin namin ito. Siya ang kalbong maton sa aming magkakabarkada, siya ang mahilig gumawa ng kalokohan sa amin na kung hindi mo alam ang ugali niya, maniniwala ka talaga sa lahat ng sasabihin niya. Hindi namin inaasahan na kaya niyang magkunwari na nakikipag-usap sa mga espiritu.

Si Vince, ginamit ang galing sa paggawa ng props para makagawa ng mga equipment namin tuwing kumakausap ng multo. Dahil sa mga ginagawa niya ay nagiging kapani-paniwala ang mga kalokohan namin.

At ako, researcher. Ako ang gumagawa ng script, naghahanap ng biktima, at taga-supply ng mga impormasyon na kakailanganin namin para mapaniwala ang "kliyente" namin at kumita kami ng pera.

Mga manloloko, in short. Kapalit niyon ay ang malaking bayad mula sa desperadong mayayaman na nawalan ng mahal sa buhay. Pero kahit nanloloko lang kami, nakikita naman namin na nabibigyan namin ng peace of mind ang mga customer namin.

Sa ngayon, hindi naman kami kumikita nang sobra pero sapat na para sa pangangailangan namin. Tanging deal lang ng grupo ay hindi namin gagamitin sa luho ang pera na kinikita sa panloloko.

Ngayong buwan ay mayroong tatlong kaso na nakapila sa amin at nasa huling kaso na kami para sa buwan na ito.

Ayon sa na-research ko ay namatayan daw ng asawa ang customer namin. Nahulog daw ang asawa nito sa gulod na malapit sa bahay nila. Ang nais lang daw ng ginang ay ang makausap ang asawa niya. Naging maingay ang isyu na ito ilang taon na ang nakalilipas dahil unang tiningnan ang kaso bilang homicide bago ideklara na aksidente nga ang naging sanhi ng pagkamatay ni Don Antonio Esteban.

Noong unang beses na tawagan si Arnold ng abogado ni Madam Stefania ay inalok agad siya nito ng pera. Tinanggihan iyon ni Arnold dahil masyadong malaki ang inaalok nito.

Siguro ay nakaramdam din ng takot si Arnold kung sakaling malaman ng mga ito na hindi naman talaga kami eksperto sa pagtawag ng multo o espiritu. Pinilit ni Arnold na pag-usapan sa bahay ng ginang ang mga bagay-bagay. Para naman sa amin ni Vince ay pagkakataon ito para pag-aralan ang bahay...

//

Please see:

-

https://librongitim.wordpress.com/2017/09/08/vis-by-lucas-abad/

-
https://www.facebook.com/librongitim/photos/a.1131570903600428.1073741827.1127578850666300/1476387439118771/?type=3&theater

Available now at Precious Pages Bookstore near you.

Vis (Published under Black Ink's Librong Itim)Where stories live. Discover now