I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2] Sino nga ba ang may kasalanan? Siya o ako? Kasalanan ko bang magkaroon ako ng feelings sa kaniya? O kasalanan niya dahil nag-iba ang pagtrato niya? Aaminin o itatago? Kahit anong piliin ko, masasaktan pa rin talaga ako. Sobra na si Thrale, doon palang dapat matauhan na ako. Inaamin ko sa sarili kong hindi ako nakakapag-isip ng maayos. Kapag pala palagi kang nasasaktan, nakakarealize ka ng mga bagay-bagay. 'Gaya ngayon, I realized na dapat tama na. Bakit hindi ko muna unahin ang aking sarili? Hayaan ang mga taong nananakit sa 'yo. I stopped, Thrale. Wala ka nang poproblemahin. Bukod sa umalis ako, hindi ka na rin mamomroblema sa feelings ko.