"Sigue lo que tu corazón desea y todo se alineará." Isang balita ang bumulabog sa isang bayan nang araw na dumating ang nag-iisang anak ng isang negosyante, si Isabela Delos Santos. Iyon ay ang pagdating ng mga conquistador kung saan nais ng mga itong sakupin at kontrolin ang natatangi nilang yaman. At doon ay mas lalong nalugmok sa kahirapan ang mga tao mula sa hagupit ng mga sundalo. Doon ay nakilala ni Isabela ang isang lalaki na nagngangalang Miguel de Rivas, isang sundalong espanyol na ipinadala sa kanilang bayan dahil sa isang misyon. Mabait si Miguel at alam ni Isabela sa sarili ang bagay na iyon. Ngunit sa kabila ng lahat ng kabaitan ng binata sa kanya, kinukwestiyon pa rin niya ito. Kaya upang malaman ang katotohanan, lihim silang nagkikita. Hanggang sa naging magkaibigan ang dalawa, at lumalim ang kanilang nararamdaman sa isa't isa. Hindi kalauna'y sila ay naging magkasintahan. Subalit ang lahat ng iyon ay nagiba nang malaman ng mga sundalo ang patungkol sa kanilang dalawa, dahilan upang magkaroon ng alitan laban sa dalawang panig.
1 part