#JustWriteIt #LoveLetters Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, tama ba ito? o naguguluhan lang ako. Ako ba talaga to? Ano ba ang nangyare?Bakit ba ako nagkakaganto? Hindi to pwede...hindi... Bakit ba minsan sa buhay natin may mga bagay na hindi mo inaasahan na darating o mangyayare? Bakit masyadong mapagbiro ang tadhana o mapaglaro sa mga panahon na hindi tayo handa? Ang buhay ko ay halintulad sa isang ordinaryong nilalang na nangarap ng simple at normal na pamumuhay pero hindi ganoon ang binigay sa akin.Hindi naging ganoon kadali para sa akin ang maging isang normal. Hangang sa dumating ang araw na tinakda para sa akin...para sa amin.=)