1st day

23 1 0
                                    

Back to school nanaman syempre excited na akong pumasok ng school, nga pala ako si jay isang grade 12 student na nag aaral sa uphsl, kita nyo naman ata title eh lol, anyway ayun na nga umagang umaga 4:30 am palang gising na gising na ako nag re ready na ako ng mga dadalhin kong gamit for school, sa school kasi namin di kami gumagamit ng books or whatsoever, sosyal kasi sa university namin, madalas naka ipad, laptop, ios devices. Syempre ako naman isang average student na parang matalino kasi naka salamin, pero di po ako ganun, sabi nga ng nanay ko mas magaling pa ako maglaro ng valorant kesa mag aral ng abm strand ko, back to the main topic, ayun naka bihis na ako at papunta na akong school. Nag dm ako sa mga tropa ko na sina gel, yza at angge, di ko na na dm si kirk kasi di naman sya papasok sa first day

Pag dating ko school syempre inantay ko ang mga tropa ko sa waiting shed sa labas ng campus. To be honest napaka init nun kahit na ulan, pawis na pawis ang mga ferson. Malapit na mag 7am, call time naming yun sa classroom kaya umuna na ako sa classroom, nga pala may naka kilala sakin dun sa waiting shed, sya si cess. Friend ko sya kaso di kami gaanong close, we just talk when necessary specially when its about acads. Sabay kami pumunta ng classroom without knowing na 3rd floor pala sya jusko po

Nga pala trivia muna about school namin, sikat siyang school dito sa south. Para siyang la salle of the south lol. Marami itong campuses sa Luzon. Malaki sya. May oval soccer field at mga famous students

Kami nga ay naka pasok na ng classroom syempre last row kami para medyo pa mysterious ang mga ferson, almost late na pala kami kasi ang dami ng tao sa room, maybe like 40 plus students na kami sa isang section "diba famous university" sa wakas nakita ko na rin yung favourite teacher ko, pangalanan natin syang doc lou, so ayun nga almost complete narin ang mga ferson and also tahimik ako, syempre 1st day eh diba, kailangan pa goodboy muna tayo hihi. Nag simula na nga ang orientation syempre kilala na ni doc lou ang iba saamin, ganun kami kabait, dati kasi naming siyang subject teacher sa marketing 1

Di narin nangyare ang kinakatakutan ng iba na introduce yourself kuno sa buong class kasi yung iba saamin sawang sawa na sa pag mumukha naming. Pagkatapos ng first ever attendance sa classroom dito na papasok ang pag iintroduce ng mga school facilities, staffs, syempre mga teachers naming for the rest of the year. Nakapag story time din si doc lou about sa kanyang experience dito sa university sapagkat 33 years na siyang teacher dito, diba tagal na, panis kayo haha. So ayun nasabi din niya saamin na yung ibang mga teachers dito naging student narin niya before, maganda pakinggan story niya about life and also medyo emotional din siya kasi di naman madali maging teacher diba

After orientation there's come the recess, syempre medyo hesitant nanaman ako mag recess mag isa BUTI NALANG anjan sila yza at angge kasi kung wala sila jusko ewan ko nalang, of course kasama namin si cess para naman diba walang others. There you go nasa mini canteen na kami. ( mini kasi maraming canteen sa school) and ayun nga dahil wala kaming nagustuhan sa mini canteen kaya bumaba kami gamit ang sosyal na sosyal na elevator at pumunta sa isa pang canteen sa labas, dun bumili kami ng royal mismo, breadpan atbp. After that umakyat na uli kami para I continue ang orientation, bago kami pumasok ng classroom we all had a small conversation para sa gagawin namin after class napag planuhan namin na subukan bumili ng uniform na kulang and also I.D. Pumasok na kami sa classroom and wait a minute for the others. After a minute nag continue na uli ng ang aming orientation. By the way ang orientation na yun is sobrang motivational for me, ewan ko lang sa iba haha.

Ang Kwento ng batang uphslजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें