(COUNT 1) - HIDDEN SMILE -

14 2 0
                                    

~Zaira's pov


"ahh.....w-wag...ergh....m-ma---a---wa ka.....agh....."

Nanginginig ang buo kong katawan. Nakatakip sa bibig ang dalawang kamay habang nasasaksihan ko ang isang karumaldumal na pagpatay.

Sinubukan kong halungkatin ang telepono ko para tumawag at humingi nang tulong pero na deadbat ako. Nasa isang madilim at isang liblib na iskinita ito. Walang ibang tao at walang dumadaan masyado dito.

Wala akong nagawa, nakatingin na lang ako, takot na takot habang umiiyak.

Nakita ko ang paggalaw nang dahan-dahan nong babae habang puno ito nang sugat, saksak at naliligo ito sa sarili niyang dugo.

Pinagmamasdan lang siya nang mamamatay tao habang gumagapang sa lupa. Nagmamakaawang tumigil na ito. Nakakaawa...

Pero....gulat ako nang makita ang isang ngiti na gumuhit sa mukha nong lalaki. Ngiti na may ibang pinaparating. Ngiting mysteriyoso.

Itinaas nito bigla ang kamay na may hawak na kutsilyo tsaka biglang sinaksak ang ulo nang babae dahilan para mapatigil ako.

Napaatras ako habang takot na takot. Nablangko na ang isip ko. Ang gusto ko nalang ay tumakbo at umalis sa lugar na ito. Kaya lang...

*CRICK!*

Nakita ko ang biglang paglingon nito sa gawi ko. Nakaapak ako nang walang lamang can, kaya naka gawa ako nang kunting ingay. Oh...no...

Sabay dahan-dahan na namang gumuhit sa mukha nito ang ngiting kinakatakutan ko.

Agad na akong tumalikod at kumaripas nang takbo. Naghahalo na ang nararamdaman ko. Takot, kaba, awa,....lahat na....

Please....please.....somebody help me.

Takbo lang ako nang takbo sa madilim na iskinitang ito, patuloy lang sa pag-iyak habang di alam kong saan tutungo. Hanggang sa.....dead-end. Wala na akong mapuntahan. Mama.....tulongan niyo ako...

Kinakabahan na ako, nanginginig. Tinitignan ko ang paligid kong may pwede pa ba akong lusotan. Pero.....wala....wala na. Narinig ko nalang ang nakakatindig balahibong mga yapak. Na muling nagpakaba at mas lalong nagpalakas nang kabog ng aking dibdib.

Hindi pwede to...

Ito naba ang katapusan ko?

Humarap ako doon sa lalaki. Nakatayo na ito sa harap ko. Hindi ko maaninag masyado ang mukha nito dahil sa nanlalabo ang paningin ko. Pero...isa lang ang klaro, iyun ang mysteryosong ngiti nito.

Sabay itinaas niya ang kamay at may itinutok na bagay sa ulohan ko.

*BANG!*

(Cough) napaubo ako sa subrang sakit na nararamdaman ko. Ang...s-sakit....bigla akong napaluhod sabay bagsak sa lupa habang umaagos ang dugo sa aking noo. Nakita ko naman ang lalaki, ang huli nitong ngiti bago muling itinutok saakin ang isang bagay na hawak nito.....sabay....

*BANG!*

"AHHHHHH!!!"

Huh.....huh....hingal na hingal ako nang bigla akong magising. Nakaharap sa kisame at pinagpapawisan nang walang tigil. Habol ko ang hininga habang ang lakas nang kabog nang aking dibdib.

 'The NIGHTMARE'Where stories live. Discover now