(COUNT 2) - LENG RESIDENT -

7 1 0
                                    

~Zaira's pov

Nakatitig ako sa bahay nang tito ko. Pinagmamasdan ko ang bawat detalye nang bahay nito. Hindi ko maalala kong nang galing naba ako dito. Wala akong maalala kahit na kunting detalye.

"Zaira? Okay kalang?". Napatigil ako sa pag-iisip. I look at tito na busy sa pagkukuha nang gamit ko. Nakatingin ito sakin na nagtataka.

"Ah...opo. okay lang po ako. Tulongan na po kita". Sabi ko sabay lapit sa tito ko.

"Hindi...wag na.". Sagot nito. Yong maleta ko nalang ang kinukuha ni tito. Medyo may kabigatan iyon kaya gusto ko sana siyang tulongan. Pero...hayaan na.

Tumango lang ako at hinayaan nalang itong magbuhat nang maleta ko.

"Tara, sa loob". Sabi niya. Tapos na una na itong maglakad hila-hila ang maleta ko. Sumunod naman agad ako kay tito.

Habang naglalakad kami papasok nang veranda. May nahagip yong mga mata ko na isang lalaking nakatayo mula sa gilid nang bahay. Napatingin ako dito. Sakto namang paglingon din nong lalaki sa gawi ko kaya nagkasalubong ang tinginan namin. Wala itong emosyong na naka titig sakin, bigla akong napaiwas nang tingin. Weird....

Pumasok na kami sa bahay nila tito. Sinalubong naman kaagad kami nang dalawang katulong.

"Manang edie, paki akyat nga nitong maleta ni zaira doon sa kwarto na pinapalinis ko sa inyo kahapon". Utos ni tito doon sa may kaedaran na babae.

"Sige po sir". Sagot nito. Sinulyapan pa ako nito bago tuloyang tumalikod at umakyat sa hagdanan.

Pinagmamasdan ko naman agad ang loob nang bahay. Malaki ito, kulay brown ang pintura nang bahay, halos lahat glass. May chandelier, malalaking frame at kong ano-ano pang decorations. Mahilig sa furniture's si tita khira, kwento pa ni mama sakin. Kaya siguro ganito ang design nang bahay nila.

"Sir handa napo ang pagkain". Sabi naman bigla nong isa pang katulong na lumapit. Medyo nasa middle age ito. 30s ata?

"Sige laureen. Ah zaira, iha. Gutom kana ba?". Tanong bigla saakin ni tito sabay lingon nito sa gawi ko. Nasa gilid niya ako.

"Ahm...medyo po". Sagot ko. Tumango lang si tito sa sagot ko.

"Ganon ba. Tara, kumain na tayo. Ah...laureen. si maam khira mo?". Nagsimula na ulit maglakad si tito habang kausap yong sumasabay sa paglalakad saamin na maid. Ako naman, ito. Nakasunod lang. Papunta kaming kusina.

"Nasa kusina po si maam, sir zack. Tumutulong po siya samin sa paghahanda" sagot ni ate laureen. Malapit na kami sa kusina. Natatanaw ko na ang dambuhalang lamesa nila. Tapos maya-maya pa nakapasok narin kami. Sumalubong sa paningin ko ang mga pagkaing nakahanda sa lamesa. Marami at mukhang masasarap. Ginutom ako bigla.

"Oh andito na pala kayo". Saad nang isang boses. Nakita ko naman ang isang maputi, maganda, at makinis. Sobrang kinis na babae. Siya si tita khira. Napangiti naman ako. Lumapit ito sa table.

"Hellow po". Sabi ko. Napatitig naman ito sa akin. May hawak siyang bowl na may lamang pagkain. Dahan-dahan niya namang nilalagay yong dalang bowl sa table habang hindi inaalis ang tingin nito sa akin.

"Zaira? Is that really you, iha?". Muli akong napangiti and nodded. Kaagad naman itong lumapit sa gawi ko at bigla akong dinamba nang mahigpit na yakap na nagpasaya sa nararamdaman ko.

"Oh ghad! I miss you!" Sabi nito. Napayakap na din ako nang mahigpit sa kaniya.

"Me too, Tita". Tugon ko. Tapos siya yong kumalas sa yakap namin sabay hawak nang mga kamay ko.

"Look at you. Ang laki mo na. Last kita ko sayo 3 years ago. Grade 9 ka pa ata non? Ang payat mo non. Sobrang payat. And now, look. Sobrang healthy mo na. Sexy pa". Puri nito that made me blush in embarrassment.

 'The NIGHTMARE'Where stories live. Discover now