(COUNT 3) - A.K UNIVERSITY -

2 1 0
                                    


~Zaira's pov

"WAG.....WAG!! PLEASE....."
Nahihirapan akong huminga, sinasakal ako nang di ko kilala. Pinipilit kong makawala, pero ang lakas niya.

Hindi ko maaninag ang mukha nito, masyado kasing madilim ang lugar.

"MAMATAY KANA.....MAMATAY KANA!". Paulit-ulit na sinasambit niya ang katagang ito. Gusto niya akong patayin, pero bakit? Bakit?

"T----erg....Tama na....ahh...p-please". Pagmamakaawa ko dito. Naiiyak narin ako.

Bakit niya naman ako gustong patayin? Anong nagawa ko. May nagawa ba ako?
I can't figure it out. Gusto ko ding malaman. Dahil wala akong alam....wala

Mas nilakasan pa nito ang pagsakal sakin kaya napahigpit ang kapit ko sa kamay nito, pinipilit na alisin pero nahihirapan ako. Hindi na ako makahinga....hindi ko na mahabol pa ang aking hininga....

"AHHHHH!"

*KRIIIING!*

I was suddenly awake, dahil sa malakas na tunog nang alarm clock ko. Pawis na pawis ako, hinahabol ang hininga at ang lakas nang kabog nang dibdib ko.

Another dream....another nightmare....

Kailan ba matatapos ang paghihirap kong ito? Napapikit nalang ako at hinawakan yong noo ko. Masyado nang nagiging brutal ang panaginip kong ito. At ngayun, ako naman ang biktima nito. Shit....

(Sa kutsi)

Nakatanaw lang ako sa bintana ng kutsi habang pinagmamasdan ko ang bawat patak nang ulan. Papunta na kami sa university kong saan ako inenroll nila tita at tito. At first day ko ngayun. Medyo kinakabahan nga ako, kasi ngayun na ulit ako makakapag-aral matapos ang apat na taon.

"Ang lakas nang ulan. First day na first day ngayun ni zaira tapos ganito ang panahon". Biglang salita ni tito habang nagmamaneho ito. Katabi naman nito si tita. Tapos katabi ko naman si karol sa left side ko.

"Zaira? Okay kalang ba dyan?". Napalingon ako kay tita nang bigla akong tanongin nito. Nakita ko naman ang pagsulyap niya sa gawi ko.

"Opo. Okay lang ho ako". Sagot ko. Nakita ko naman ang pagngiti nito. Kaya nginitian ko nalang din ito.

"Good. Malapit na naman tayo, baka pagdating natin doon hihinto rin agad ang ulan nato". Sabi pa niya. Tapos umiwas na ito nang tingin sabay umayos ito nang pag-upo. I noded.

"Pagdating natin doon, diretcho tayo kay principal romero." Sabi pa ni tito.

"Oo, para naman makilala niya si zaira". Rinig kong sagot naman ni tita sa kaniya.

Binalik ko ang tingin ko sa bintana, pagkatapos kong makinig sa kanila. Muli pinagmamasdan ko ang mga patak nang ulan. Ang lakas nang ulan, sobrang lakas. Kagabi naman maganda ang kalangitan, bakit biglaan ang pag-ulan?

At oo nga pala....bigla kong naalala...yong kagabi. Yung mga katagang sinabi sakin nang lalaking yon. Pansin ko namang niloloko lang niya ako pero...parang totoo? Naniwala naman ako.

Tama nga si karol, dapat kasi di ko nalang siya kinausap. Ang weird nga kasi, tapos ang creepy pa.

"Oh...where here". Sabi ni tita. Napalingon naman agad ako sa harapan nitong kutsi kong saan matatanaw ko ang lugar na sinasabi nito.

Sa harap nang kutsi kong saan tanaw ko ang isang malaking gate na may naka sulat na pangalan nang paaralan.

'A.K UNIVERSITY '

Andito na nga talaga kami. Ang laki naman nang school nato? Sana naman....maganda nga dito kagaya nang sabi nila tito.


 'The NIGHTMARE'Where stories live. Discover now