(COUNT 5) - SCHOOL CLUB -

5 1 1
                                    

~Zaira's pov

Hawak ko ang telepono ko nang lumabas ako mula sa banyo. Kakatapos ko lang magbihis at magsipilyo. Maya-maya kasi papasok narin ako.

"Buti naman at kasama mo si karol. Okay lang ba sayo na kinakaibigan ka nang mga kaibigan niya?". Oo nga pala at kausap ko ang nanay ko kaya hawak ko ang telepono ko. Tumawag kasi siya sakin kanina nang pag-gising na pagkagising ko pa laang.

"Oo naman. Okay lang sakin yun. Mabuti nga iyon eh. Noong una naiilang ako. Pero di naman sila kagaya nang mga inaakala ko kaya, naging comfortable din ako." Sagot ko.

Rinig ko naman ang kunting tawa ni mama. Kaya napangiti ako.

"That's good to hear anak. Mas okay yong nagiging open kana. Akala ko kasi iiwasan mo ang lalapit sayo. Buti nalang at tinulongan ka ni karol. Diba nga sabi mo, makulit ang kaibigan nito?"

"Opo, kasing kulit niyo po". Sabi ko sabay tawa.

"Naku, namimiss mo na siguro ako ano?".
"Sobra ma."

Pareho naman kaming natawa. Nagkwentuhan pa kami nang kong ano-anu pa, tapos biglang nagpaalam na agad si mama kasi may meeting pa daw siya. Gusto ko pa sana siyang makakwentuhan nang matagal pero, pinatay niya na ang tawag. Next time nalang din siguro. Tsaka may pasok parin naman ako.

Bigla namang tumahimik ang paligid ko pagkatapos kong ibaba ang telepono. Tapos bigla ring pumasok sa isip ko iyong nangyare kagabi. Mula sa panaginip ko at doon sa sinabi ni Lhiam sakin. Oo nga pala, hindi ko iyon na tanong kay mama, baka kasi....may alam siya. Baka kilala niya ang parents ni lhiam o....pati mismo si lhiam?

Ano kaya ibig niyang sabihin doon sa sinabi niya kagabi? Ano ba iyong nakalimutan ko? Wala talaga akong alam.

_________________________

Buong byahe akong tulala. Hindi ko parin maalis sa isip ko ang kaniyang mga kataga. Iyong mga sinabi niya.

Walang hiya, naiis-stress ako dahil sa naiisip ko. Hay....kalimutan ko na nga lang muna iyon.

"You alright?" Biglang tanong nang katabi ko. Si karol. Kaya napalingon ako sa gawi nito.

"Hmm?"

"Nga pala, mamaya. Kayo na muna nila sazja ang kumain sa cafeteria huh? May aasikasohin pa kasi ako. Okay lang naman siguro yun sayo?". Tanong niya.

"Oo, okay lang. Kahit medyo makulit si sazja". Sabi ko. Pareho naman kaming napangiti ni karol sa sinabi ko.

"Oo nga. Makulit talaga yun. Spoiled brat pa. Pasensiya na sa kaniya. Ang babaeng yun kasi, wala sa kaniya ang salitang pagpapatalo, kong ano iyong gusto niya? Kukunin niya. Mahirap kalabanin yun. Kaya iniintindi ko nalang". Kwento niya.

Oo nga, pansin ko din yun. Remember nong nagpakilala siya? Medyo rude at makapal pero, hindi mo naman siya matitiis, di kadin naman magagalit. Malinis ang pakikitungo niya eh.

"Yeah, naiintindihan ko rin". Sabi ko naman.

"Anyway, kumusta naman ang pakikipag usap mo sa ibang tao? Kinakabahan ka ba pag-kaharap mo sila? Baka....bigla ka nalang ano-------". I cut her off sabay nginitian siya.

"No, don't worry. Okay lang ako. Noong una, yes. Kinabahan ako, hindi naging comfortable, pero....naisip ko. Hindi naman masama kong may bago akong makakasalamuha. Tsaka, okay na naman ako, yun nga lang nagka-amnesia lang". Sabi ko.

"Hindi din magtatagal, makakaalala karin. Subukan mo lang. Kong may tanong ka naman sakin, sabihin mo lang. Baka may alam ako, okay?". Nginitian ko lang ulit siya.

 'The NIGHTMARE'Where stories live. Discover now