(COUNT 6) - FLASHBACK -

7 1 0
                                    

~Zaira's pov

Ang daming laman nang utak ko, ang daming katanungang pumapasok dito. Ano, sino, paano?

Gulong-gulo ako sa mga nalaman ko. Either, maniniwala ba ako sa hula nayun.....o hindi. Hindi ko alam. Kasi wala nga akong alam.

Andito ako ngayun sa likod nang school. Nakaupo sa damuhan habang pinagmamasdan ang kawalan. Iniisip ko ang pweding maging dahilan nang lahat nang katanungan ko.

4 years......

Apat na taon akong naghirap. Apat na taon ko ding dinadala ang bigat na pinapasan. Nawala ang alaala ko. Wala akong alam sa nakaraan ko.

Tapos.....idagdag pa natin ang kwentas. Ano bang kinalaman non sa nangyare? Anong meron doon?

"Anong ginagawa mo dito?". Oh...sino yun? Bigla akong napatigil sa pag-iisip ko at sabay napalingon ako sa paligid.

Bigla ko namang nakita sa may likuran ko si Lhiam. Nakatayo ito malapit sakin habang nakapamulsa. Napakunot noo naman ako.

"Bakit ka andito?" Tanong ko. Napatayo naman ako mula sa pagkakaupo ko sabay pinagpagan ko ang pwetan ko.

"Ako dapat nagtatanong niyan sayo. This is my spot. Bakit ka nakaupo dito?". Sabi niya.

His spot? Lagi ba siya tumatambay dito? Kong sa bagay, mahilig nga naman siyang mapag-isa.

"Sorry huh. Di ko naman kasi alam. Wala naman kasi akong nakitang pangalan na may nag mamay-ari na pala sa lugar nato?". Sarcastiko kong sabi dito. Ganito ba talaga siya nakikipag usap? Oh baka sakin lang? Ayaw ba niya sakin?

"Umalis kana. Uwian na". Sabi niya. Tapos naglakad ito papunta sa may puno di kalayuan sa pinag-uupoan ko. Sabay umupo siya doon.

Ano ba problema nang taong to? Bagay nga talaga sa kaniya ang title nang tao sa kaniya. Pagiging 'weird'. I wonder kong nakakapag-kaibigan ba kaya siya sa sama nang ugali niya?

"Aalis ako kong kelan ko gusto. Tsaka bakit ikaw? Bakit andito kapa?". Tanong ko sa kaniya.

Napalingon naman siya sa gawi ko habang seryoso ang mukha nito. Tsk! Wala na ba siyang ibang emotion?

"Pakialam mo ba?". Eh? Tignan mo nga tong lalaking ito. Kinunutan ko nga siya nang noo. Tapos nilapitan ko siya.

Kong makipag-usap naman siya sakin parang ang laki nang kasalanang nagawa ko sa kaniya.

"Teka nga, May nagawa ba ako sayo? Bakit ata ang sama nang pakikitungo mo sakin? Ano ba nagawa ko?". Tanong ko. Oh baka upset siya kasi andito ako, nakatambay sa tambayan niya? Ang babaw naman niya para magalit sa maliit na bagay nayun?

Nakita ko naman siyang nakatitig lang, habang wala itong sinasabi. Napipi na naman ba siya? Tapos umiwas siya nang tingin sakin.

"Wala ata akong kausap di---------".
"Paano mo nga naman malalaman kong bakit ganito ako sayo. Kung kinalimutan mo na naman ako?". Sabi niya as he cut me off.

Natigilan naman ako at di naka-imik. Eh?! Anong......anong sinasabi niya? Anong ibig niyang sabihin? Bakit naman niya nasasabi yun? Kinalimutan ko siya? Bakit? Magkakilala ba kami dati?

Wala naman akong.......bwesit na amnesia to. Paano nga ba naman ako makakaalala? eh kong nakakulong ako sa amnesiang to?

"Don't worry. Hindi naman kita pinipilit na alalahanin ako. Im just no one.". Dagdag pa niya. Sabay iwas nang tingin sakin.

"Pwede mo bang linawin sakin ang mga sinasabi mo?". Ginugulo niya isip ko.

He's saying that his just no one pero bakit ganito siya? Bakit naaapiktuhan siya sa pagkawala nang alaala ko?

 'The NIGHTMARE'Where stories live. Discover now