(COUNT 7) - MEMORY -

8 1 2
                                    

~Zaira's pov

        Bigla akong nagising at napamulat nang mga mata ko nang may maramdaman akong kumirot sa braso ko. Napahawak naman ako sa braso ko sabay napabangon ako mula sa pagkakahiga ko.

Tapos nakita ko ang isang babaeng may hawak na...injection? Nakatingin pa ito sakin na parang nagulat sa paggalaw ko. Nagtaka naman ako.

"A-anong ginagawa mo?". Tanong ko.

"Ah....ini-injectionan ka po?. Ay, Wag kang mag-alala. Gamot lang naman to. Para mawala na ang pagkirot ng ulo mo"  sagot naman niya.

Para sa kirot? Napatitig naman ako sa kaniya. Nakasuot siya nang puting damit at pantalon. Napakunot noo naman ako, sabay napatingin sa paligid ko. Teka, bakit ako andito?

"Miss, wag kang gumalaw huh. Patapusin mo lang muna ako dito sa trabaho ko". Sabi nong nurse. Napatingin naman ulit ako sa kaniya.

"Bakit ako andito?". Tanong ko sa nurse. Tinignan naman niya ako sabay lapit sakin at hawak nang braso ko. Sabay Inin-jectionan niya na ako.

Wala akong maalala. Ang huling nasa isip ko lang eh iyong iksena noong biglaang kumirot ang ulo ko. Tapos, nawalan na agad ako nang ulirat.

"Hinatid ka dito nang boyfriend mo na walang malay. Nagpanic pa nga siya eh. Sinamahan ka pa nga niya sa loob nang ER kahit pinagbawalan siyang pumasok sa loob. Siguro mahal na mahal ka niya ano?, Oh yan. Tapos na ako. Ano? Okay na ba pakiramdam ko, iha?". Sabi niya.

"Boyfriend?". Tanong ko sa unang pahayag nito. Nagulat pa ako. Eh wala naman kasi akong.....teka....oo nga pala.

"Zaira.......ZAIRA!!"

Ahh.....oo tama. Yung kanina, Si Lhiam lang nga pala ang huli kong kasama. So si lhiam ang ibig sabihin nang nurse, wala nang iba. Siya lang naman kasi ang huli kong kasama bago ako mawalan nang ulirat.

"So....nasan na po siya?". Dagdag ko pang tanong.

"Yong boyfriend mo? Kanina andito lang yun eh. Baka umalis na? Sabi kasi niya sa doctor na nag-asikaso sayo, pupunta na daw yong guardian mo dito. Oh baka lumabas lang? Babalik din yun".

Umalis na nga siguro yun.

*TOK-TOK-TOK!*

May kumakatok, napalingon naman ako sa may pinto. Sabay bumukas ang pinto tapos pumasok ang tatlong tao. Oh....

"Zaira, anong nangyare?". Pag-aalalang sabi ni karol saakin sabay lapit at hawak nang kamay ko.

"Ano, okay lang ako". Sagot ko naman.

"Pinag-aalala mo kami. Nabigla pa kami nong tumawag si lhiam samin at sinabing dinala ka niya sa hospital. I thought, may masamang nangyare sayo". Pag-aalala namang sabi ni tita khira.

Napasulyap naman ako sa gawi ni lhiam na nakatayo lang sa likuran nila tita khira. Nakatingin din siya saakin. He's still here. Akala ko umalis na siya.

"Okay na po ako. Wag na po kayong mag-alala." Sabi ko.

"Mabuti naman kong ganon. Ano ba kasi nangyare?-----". Tanong ni karol sakin.

"Ah, excuse me po". Oh...andito pa pala yong nurse?

"Okay na po yung patiente. Nahimatay lang po siya dahil sa pagkirot nang ulo niya. Tsaka sabi po nang doctor, samahan ko daw po ang guardian niya kapag dumating na, gusto po kasi kayong kausapin nang doctor tungkol sa kalagayan niya." Sabi nang nurse.

"Ah, sige. Nasaan ba ang doctor?". Tanong ni tita khira.

"Nasa opisina po niya, tara po, sumama po kayo sakin".

 'The NIGHTMARE'Where stories live. Discover now