(COUNT 11) - LET ME TELL YOU A SECRET -

2 0 0
                                    


~Zaira's pov

        Nakikinig ako sa guro. Nagle-lesson siya tungkol sa topic nang darating na examination namin next week. Ang bilis nang panahon. Tapos after exam school camp na.

"Zaira, ang fucos mo naman sa lesson?." Biglang tanong nang katabi ko. Si sazja. Lumapit naman ako sa kaniya at bumulong.

"Gusto ko kasing makinig nang mabuti para naman mai-perfect ko iyong exam ko. Tapos ipapakita ko sa nanay ko" sabi ko naman.

Oo nga pala, nakausap ko si mama. Baka daw next month uuwi na siya. Mabuti naman kong ganon.

"Ang swerte naman nang mama mo. May mapagmahal siyang anak na katulad mo. Siguro hindi mo dini-dissapoint ang mga mahal mo sa buhay no?". Nakangiting sabi niya. Napangiti nalang din ako.

"Ganon na nga". Sagot ko naman.

"Anong binubulong niyong dalawa?". Oh...napatingin naman kami pareho ni sazja sa likod. Si calvin lang pala.

"Chismoso ka din ano?". Sagot naman ni sazja at inirapan ito. Di talaga sila magkasundo. Pero bakit kaya naging magkaibigan sila?

*KRIIING!*

"That's all for today class. Dismiss!". Ganon lang? Akala ko naman bibigyan niya kami nang homework. May isinulat muna ako sa notebook ko bago niligpit ito.

Nilagay ko na sa bag ko iyong mga gamit ko.

"Ah....oo nga pala. Zaira, alam mo naman ang tungkol sa school camp?". Tanong bigla ni sazja. Yeah, tungkol don. Na kwenta nayan ni karol sakin. Ni research ko kagabi ang mga ginagawa pag may school camp. Maganda naman pala, nakakaexcite.

"Oo, na kwento sakin ni karol". Sagot ko.

"Ehhh! Alam mo bang excited na ako? Sana naman this time my pa twist. I like those challenges." Sabi niya. Napangiti naman ako. Yeah, nakakaexcite nga yun sobra. Twist.....

"Anong nakakaexcite don? Ikaw lang ata masaya pag pinag-uusapan ang camp eh. Ang hassle kaya non. Madudumihan lang tayo". Napalingon naman kami kay calvin. Nakasandal siya habang nakapulopot yong kamay niya sa braso ni ezack.

"Ang arte mo. Ganon naman kasi talaga. Camp nga diba? Camp!". Ayan na naman sila. Hay....napailing nalang ako sabay napatayo. Makaalis na nga lang dito.

Hindi nila ako na pansin na umalis ako at lumabas nang classroom. Buti nga eh. Gusto ko lang kasi munang mapag-isa. Mula noong lumipat ako dito. Di na ako nakapaglalakad nang mag-isa. Tsaka, hindi ko din nakikita si lhiam. Asan kaya siya? Anong classroom niya? Ni wala man lang akong alam sa lalaking yun.

Bumaba ako sa first floor at nag lakad sa hallway nito. May mga ibang student ang tumatabay sa labas nang classroom nila. Ang iba panga napapatingin sa akin pagdinadaanan ko sila.

Nawala na iyong takot ko. Iwan ko....parang may kakaiba sa sarili ko this past few weeks. Sabi ko nga diba, okay na ako. Totally.

"Oh......ikaw". Biglang sabi nang di ko kilala, sabay itinuro ako nito. Anong problema niya? Tapos bigla siyang ngumiti.

"Naaalala mo pa ba ako?". Tanong niya. Why would I remember her? Ni hindi ko nga siya kilala. Napakunot noo naman ako. Bakit? Kilala kaya niya ako?

"Ah, hindi na, diba? Gusto mong sumama sakin? Usap tayo. May kailangan lang akong sabihin sayo". Sabi niya. Sabay bigla siyang nagseryoso at tumalikod sakin sabay naglakad na ito.

Teka...anong....susundan ko nalang nga siya. Nagsimula na nga akong maglakad at sinundan ko siya. Saan kaya siya pupunta? Umakyat siya sa hagdan.

"Saan ba tayo mag-uusap?." Tanong ko. Hindi siya sumagot. Anong kalukuhan bato?

 'The NIGHTMARE'Where stories live. Discover now