(COUNT 12) - PSYCHOPATH -

2 0 2
                                    


~Zaira's pov

*WIW-WIW-WIW!*
(AMBULANCE)

         Hindi ko alam kong anong nangyare. Nasa rooftop pa ako nong mga oras na, pagbaba ko....patay na pala ang babaeng kausap ko lang kanina. Hindi ko alam kong paano nangyare yun. Pero.....isa lang ang naiisip ko. Kasalanan ko ito.

"Nasa rooftop ka nang mangyare ang pagpatay ni ms. Pene, tama ba ako? May nakapagsabi samin na, magkasama kayo bago siya mawala, may pinag-usapan ba kayo?". Tanong nang isang pulis sakin.

Tama nga si pene. Dapat nag-iingat ako. Hindi lang iisa ang kalaban ko ngayun. Pero ang tanong....sino....sino ang pumatay sa kaniya?

Ngayung naaalala ko na ang lahat. Kailangan kong mag ingat. Hindi lahat nang tao sa paligid ko, mga taong nakapaligid sakin totoo at mapagkakatiwalaan.

Kaya naman, wala akong pagsasabihan. Ngayun, ano nang sasabihin ko? Ako ang naging unang suspect dahil ako ang huling kasama ni pene. Dapat nag-iingat ako sa kong ano man ang sabihin ko.

Alam nang killer nayun na magkasama kami ni pene sa taas. At sure akong, ang killer nayun alam ang tungkol sa pagka-amnesia ko. Siguro, ang pumatay kila samantha at jeziel ay kasama niya, masama ito. Kong kasama nang killer nila jeziel ang killer ni pene, so may posibilidad na magkaibigan silang dalawa. Or....kinaibigan niya ito. Pero ang tanong, bakit? Anong atraso ko sa pumatay kay pene? Bakit kailangan niyang patayin si pene?

"Ms. Elliomor....tinatanong kita".
Sabi ulit nang doctor. Itinaas ko naman ang ulo ko at tinignan ang pulis na nasa harapan ko.

"Oo, kasama ko si pene sa rooftop. Pinag-usapan lang namin ang tungkol sa exam namin next week. Tapos nagpaalam siya sakin na mao na namuna siya dahil may kailangan pa siyang gawin. At nagpaiwan ako sa rooftop. Pagkababa ko, doon ko nalang nalaman na may sumaksak sa kaniya.". Paliwanag ko.

"Sigurado kaba sa sinasabi mo?". Pinagdududahan niya ako. Tinititigan ko naman ito.

"Sa tingin mo ba magsisinungaling ako? Bakit di mo tanungin ang ibang studyanting nakakita? Alam nila na pababa palang ako nong makita nilang patay na sa hagdan sa first floor si pene. Bakit ako lang pinagdududahan niyo? Dahil ba kasama ko siya?". Sabi ko. Natahimik naman ang pulis na nag-iimbestiga.

Kong hindi ako sasagot, baka kong ano pa ang itanong nila at maguluhan lang ako.

Di nagtagal pinalabas nadin ako. Nagsasabi naman daw kasi ako nang totoo. Tapos pagkalabas ko nang interrogate room. Sumalubong sa akin sila tita, tito at karol.

"Zaira, what happened?". Tanong agad ni tita sabay hawak nang braso ko.

"Bakit kami tinawagan at bakit dinala ka dito?". Tanong nito.

"May accidente po kasi sa school". Sagot ko naman.

"Accidente? Anong nangyare? At anong kinalaman mo don?". Nag-aalala ba sila? Ah....baka nga.

"May itinanong lang po sila sakin dito. Yong biktema kasi, kakilala ko". Sagot ko.

"Anong tinanong sayo?". Tanong naman ni karol kaya napatingin ako sa gawi nito.

Anong klasing tanong ba yan? Bakit naman niya gustong malaman ang tungkol doon?

"Kong kilala ko ba daw si pene. Sabi ko oo. Kaibigan ko siya". Pagsisinungaling ko. Napatango naman siya.

"Wag tayo dito mag-usap. Lumabas na muna tayo dito". Sabi ni tito sabay naglakad na ito ng mabilis at nauna na ito samin.

Pagkalabas namin nang pulisya, umalis na agad kami. Nasa kutsi na kami nong biglang magring ang cellphone ko. Napakapa naman ako sa bulsa nang jeans ko. Kinuha ko ang phone at tinignan agad kong sino ang tumatawag.

 'The NIGHTMARE'Where stories live. Discover now