(COUNT 15) - FAMILIAR -

1 0 0
                                    

~Zaira's pov

     Nakaupo ako sa sofa habang nakaharap kay lhiam. Andito na kami ngayon sa loob nang apartment. Binago pala ang pinta nang bahay, yong green na wall eh naging brown. Tapos may second floor na. Sabi sakin ni mama may apat na tao na ang nakatira dito. Parang ginawang boarding house ang bahay nato.

"Mag juice muna kayo". Nakangiting sabi ni aling jona habang nilalapag sa harap namin ang dala nitong juice.

"Salamat po". Sagot ko naman.

"Anak niyo po ba yong nagbukas nang gate kanina?". Bilang tanong ni lhiam. Bakit niya naman tinatanong?

"Oo, nagiisa kong anak, si jea". Sagot naman ni aling jona. Tapos umupo ito kasama kaming dalawa ni lhiam.

"Napadalaw po kayo dito, maam zaira? Grabe, ang tagal na nating hindi nagkita, ang laki mo na. Mas lalo kang gumanda". Sabi nito. Nahiya naman ako.

"Ahh....naku po. Kayo talaga aling jona. Ah...andito po ako para magbakasyon. Break na kasi namin eh. Kaya naisipan kong pumunta dito. Okay lang naman siguro yun sayo, diba?". Sabi ko.

"Oo naman, bakit hindi? At buti nalang dahil dito mo naisipang magbakasyon. Sa tagal mo ba namang hindi na nakapunta dito eh.".

"Oo nga po eh".
"Oh siya, aayusin ko muna ang isang bakanting kwarto sa taas para naman makapagpapahinga na kayo.". Sabi ni aling jona sabay tumayo na ito.

"Ah, isang kwarto lang po yong vacant? Hindi po ba dalawa?". Tanong ko. Oo nga naman kasi, andito si lhiam. Bakit ba kasi ayaw nalang nang lalaking to umuwi sa kanila? May bahay naman sila dito? Andon ngalang sa ibang kanto.

"Isa lang ang vacant iha. May tatlo kasing studyante ang nagboboard dito. Tsaka yong isang room ginagamit namin nang anak ko. Kong gusto niyo po...----" hayssst! Isa lang, paano nato?

"Okay lang po. Share nalang po kami ni zaira". Nakangiting sabi ni lhiam kaya bigla akong napatitig sa kaniya nang masama. Anong share sinasabi nito? Manigas siya.

"N------". Gusto kong magsalita.

"Saan po ba yong room, sa taas po ba? Tara po tulongan na po kitang maglinis". Dagdag pa ni lhiam sabay tumayo na ito at nauna nang umalis kay aling jona. Nasisiraan na siya.

"Ah...sige po, maam". Nakangiting sabi ni aling jona at sabay umalis narin. Sumunod na kay lhiam.

Napasapo nalang ako sa noo ko. Ano bang problema nang lalaking yun? Napapulot nalang ako sa isang juice na nasa harapan ko at uminom dito. Nauuhaw ako bigla.

"Hi, ikaw pala yong anak nang may ari?". Tanong bigla nang kong sino. Napalingon naman ako sa may gilid ko. Yong anak pala ni aling jona.

Hindi ko siya sinagot. Kakasabi ko lang kanina eh. Paulit-ulit? Parang....ayoko sa babaeng to. Mukha kasi siyang....iwan. Bigla siyang umupo sa harap ko. Feeling close naman siya.

"Kaibigan mo yong kasama mo?" Tanong niya. Ang daldal niya. Obvious naman siguro na ayokong makipag-usap sa kaniya.

"Yeah". Sinagot ko nalang. Bakamapanis kasi laway ko.

"Ahh.....akala ko kasi, boyfriend mo siya". Nakangiting sabi niya. Oh...so intirisado siya kay lhiam? Sabi na eh. Obvious naman sa mukha niya kanina nong makita niya si lhiam.

"Oo nga, hindi ko siya boyfriend for now,  Pero...magiging palang". Sagot ko naman sabay sipsip nong juice na hawak ko.

"You mean, you like him?".

"No, he likes me". Sagot ko. Para namang naging hilaw yong ngiti niya pagkasabi ko non sa kaniya. I don't know kong ganon parin ba ang nararamdaman ni lhiam para sakin, pero...i just wanted to tease this woman.

 'The NIGHTMARE'Where stories live. Discover now