(COUNT 17) - HER STORY -

1 0 0
                                    


~Zaira's pov

      Hindi ako galit, pero naiinis ako. Andito ako ngayun sa kwarto ko. Hindi ako lumabas mula pa kanina nong makita kong andito pala ang mga kaibigan ni lhiam. I mean, naging kaibigan ko din naman sila, pero...kasi...kaibigan din kasi sila nang mga taong gusto akong ipahamak eh.

Hindi ko kayang magtiwala sa mga taong malapit sa kalaban ko. Paano nalang kong inutosan silang saksakin ako sa likod diba? Who knows?

Bigla namang bumukas iyong pinto nang room. Kaya napa tingin ako sa pintoan. And I saw lhiam. Tapos biglang pumasok si lhiam sa loob sabay tingin sa gawi ko. Napaiwas naman ako nang tingin sabay kuha nang phone ko at nagkunwaring may tinitignan.

"Galit kaba?". He asked. Hindi ko siya sinagot. Andito lang ako sa kama, nakaupo.

"Zaira, don't worry about them. Wala naman silang alam tungkol kay karol at sayo eh. Alam kong nag-aalala ka na baka maging sagabal sila, pero Sincere friend lang sila. Normal friend kong baga.". Sabi niya. Tsk! Alam ko naman yun.

At hindi ako nag-aalala. Natatakot lang ako. Takot na baka, maulit yong dati. Baka gamitin sila. Pero....sa tingin ko naman malabo yun. Calvin and zack is different. Kahit na sabihin nating friend sila nila karol at sazja, hindi mo naman makikita na nagsi-share sila nang secrets eh.

Iba sila at iba din yong mga taong yun.

"Pansin ko din naman na wala. Kaya lang, alam mo namang hindi lang basta-bastang bakasyon tong pinunta ko dito. I have reasons, at valid yun". Sagot ko naman. Sabay binaba ko na iyong phone na hawak ko.

Tinignan ko naman si lhiam, tapos lumapit siya sakin sabay upo sa dulo nang kama, sa harap ko.

"I know. Im sorry kong hindi ko sinabi sayo. But, zaira...kailangan mo din namang mag relax. Hindi lang palaging itong problema na to ang dapat mong isipin. Alam kong, desperada kana para sa katutuhanan nang nakaraan. Why don't you take a break?". Sabi niya.

"Marami pa akong gagawin, I don't have time for that nonsense, lhiam. Kong gusto mong magpakasaya. Go ahead. Hindi kita pipigilan. Pero ako? I have my own business to do". Sagot ko sa kaniya.

"Zaira, please? Kahit ngayun lang. After mong mag relax, I promise you, tutulongan kitang hanapin yong hinahanap mong sagot". Sabi niya.

"How can you be so sure? I don't really believe in promises, lhiam. Dati na akong naniwala dyan. Pero anong nangyare? Nasira din naman". Sabi ko. I'm reffering to him back then.

Sinira niya promise niya sakin eh, masisi ba niya ako? Bigla naman siyang napayuko as I said those word. Napabuntong hininga tuloy ako. What am I going to do then? Nakakairita.

"Anyway, bago ko mapag decissionan yang gusto niyo. May gusto sana akong sabihin sayo.". Sabi ko.

Itinaas naman niya iyong ulo niya sabay tinignan ako.

"Ano yun?". Sagot niya.
"Nagkita kami kanina nang kapatid ni samantha. Nag-usap kami, tapos...may nalaman ako". Sagot ko. Napakunot noo naman siya.

"Nalaman? Tungkol saan?". Tanong niya

"Si sazja, kapatid siya ni samantha. Naniniwala siyang ako ang pumatay sa kapatid niya kaya gusto niya rin akong patayin. Pero, hindi niya ako pinatay agad, at naisip ko, dahil yun kay karol. Si karol yong tipong taong kailangan mo munang magdusa bago ka niya patayin. At sabi ni sarrah, bunsong kapatid nila. Bago daw mawala nong araw nayun si sam. Pinuntahan ni karol si sam. May sinabi ito kay sam kaya pumunta si sam doon sa lugar nong pinangyarihang krimin." Sabi ko.

"Si sazja? Paano naman nalaman ni karol na kapatid ni sam si sazja?". Tanong niya.

"May sinabi sakin yong isang kaibigan ni sazja sa school natin. Ang sabi nito, Nagkakilala sila karol at sazja after nong krimin dito sa cobaw. Sobrang suspecious non pakinggan diba? At sa tingin ko. After nong krimin, Nong nacoma ako, pumunta siya sa lamay ni samantha, at baka doon niya nakilala si sazja. Pinagplanohan niya na ang lahat bago pa man mangyare ang krimin. Yun ang naisip ko". Sagot ko.

 'The NIGHTMARE'Where stories live. Discover now