(COUNT 20) - PLANTING -

0 0 0
                                    


~Zaira's pov

Ito na......ito na kaya ang huling araw ko?.....
Maya-maya lang magsisimula na ang lahat....

     Naglalunch akong mag-isa. Ang lungkot nga eh. Sino naman ang isasama ko eh wala naman akong kaclose dito? Ang daming tao dito sa canteen, iyong lahat nang student na sumali sa school camp. Ang lahat naglalunch, busy nga yong iba kakachismiss eh. Yong iba naman may kasama sa table nila. Ako lang ata nag-iisa dito.

Pero okay lang naman yun. Sanay naman akong mag-isa.

Pinagpapatuloy ko lang iyong pagkain ko noong biglang may maglapag nang pagkain sa harapan ko. Napahinto pa ako sa pagsubo nang kanin sa bibig ko sabay napatingin ako sa taong umuupo ngayun dito sa harap ko. Kakain ba siya kasama ako?

"Okay lang naman siguro kong dito ako kumain, right?". Pagpapaalam niya. Binaba ko naman iyong kutsara at hinarap siya.

"Oo naman. Feel free". Sagot ko naman. Tapos binaliwala ko naman siya pagkatapos. Pinagpapatuloy ko nalang ang pagsusubo ko nang kanin sa bibig.

Tahimik lang kaming kumakain. Iwan ko ba. Ang tahimik namin. Kami lang iyong walang emek habang yong iba, naguusap, nagtatawanan, at nagkukulitan. Hindi ko rin naman kasi feel makipag usap sa taong to.

"Akala ko hindi ka sasali". Basag niya sa katahimikan. Buti naman at umimik siya?

"Ah, sayang naman kasi kong hindi? Minsan lang naman mangyare to eh kaya, sumali na ako.". Sagot ko naman sa kaniya.

"Balita ko nagbakasyon ka sa lola mo? Kumusta naman iyong bakasyon mo?". Tanong niya ulit.

"Okay lang naman. Masaya ako". Sagot ko naman sabay nginitian ko siya. Umiwas naman ako nang tingin sa kaniya sabay Kinuha ko iyong baso sa table na nasa harapan ko sabay inom dito nang tubig.

"Ah...ganon? Sayang....nong pag-alis mo. Nagkaroon kami nang party. Gusto sana kitang isama non pero, nalaman ko nalang umalis kana pala". Sabi niya. Binaba ko na iyong baso tapos tinignan ko siya.

"Party? Sayang naman hindi ako nakapunta. Pero, kasi hindi naman ako mahilig sa mga ganiyan eh". Sabi ko rin.

"Oo nga, pansin ko nga". Sagot niya.
"Alam mo?". Tanong ko.
"Yeah, halata naman kasi sayo. But you know what? Akala ko naman pareho tayo ng gusto. Akala ko, magkakasundo tayo. Pero, hindi....kasi ang layong magkapareho tayo". Sagot niya. Napakunot noo naman ako.

Lumalabas na ba ang totong siya? Sige lang. Ipalabas mo iyong galit mo sakin. Excited na ako.

"Magkaiba naman kasi talaga ang mga tao. May simple lang, may ordinary may normal....at may kakaiba.". Sabi ko. Nagpakawala naman siya nang kunting tawa.

"Nakakatawa ka. Hindi ko alam kong bakit naging close pa tayo. Sayang naman yong pinagsamahan nating dalawa diba? Pero ngayun. Ayoko na. Hindi ko na kayang makipag plastikan sayo". Sabi niya sabay smirk.

Talaga? Kasi ganon din ako eh. Ayoko sayo.....sazja.

"Close ba tayo? Ikaw lang naman tong feeling close?". Sabi ko sa kaniya sabay ngiti. Bigla namang nag-iba iyong expression niya.

Oh...ano? Napikon ba siya sa sinabi ko? Tsk! Maliit na bagay lang naman yong sinabi ko?

"Alam mo kasi, inutos man sayo o hindi nang kaibigan mo na maging close sa akin. Dapat hindi mo na gawin. Magmumukha kalang desperada at tanga". Dagdag ko pa.

"What?". Tanong niya. Naiirita na siya. Buti nga sa kaniya.

Tumayo na ako sabay pinulot iyong tray ko na nasa table. Tapos tinignan ko nang nakakaasar si sazja sabay binigyan ko siya nang nakakainis na ngiti.

 'The NIGHTMARE'Where stories live. Discover now