Agatha is willing to do everything she can just to be loved by Lars Alexandersson. Gagawin niya ang lahat kahit pa kahihiyan ang makukuha niya sa katangahan niya sa lalaki. Mahal na mahal niya si Lars bata pa man sila. Kahit napakasungit nito sa kaniya ay tinitiis niya, makausap at makasama niya lang ito. Mababaw lang ang kaligayahan ni Agatha. Kahit tingnan lang siya ni Lars ay malaking bagay na iyon kaniya. Ganoon na ata siya kabaliw rito, kaya't kahit ano pang pamamahiyang gawin nito ay sige pa rin siya nang sige. Pero hanggang saan nga ba ang kaya niya para lang makuha ang pagmamahal na inaasam mula rito? Kahit ata pikutin niya ito ay hindi pa rin siya nito mamahalin. "Mahal ko siya, gagawin ko ang lahat para lang sa kaniya. Gano'n.ko siya kamahal ..." - Agatha