Author: jcaoy05 Mga ibat ibang kulay ng ilaw ang nag sasayawan sa dilim, ingay ng sintunadong lasing habang tumutugtog ang napakalakas na video oke. Pero hindi iyon napapansin ni Jerum, ang tangging bumabasag sa katahimikan niya habang tinitigan ang baso na may lamang alak ay ang mga katagang sinabi ni joanna. "I'm sorry, may mahal na akong iba" Halos madurog ang kanyang puso. Bumabagsak din ang kanyang paghinga at ang mga mata nito ay bahagyang nakabukas. Inimom niya ang alak na nasa baso at nag tanong sa kanyang sarili. "Saan ba ako nag kamali" Tumagay siyang muli at sa replekyon ng kanyang mukha sa babasaging baso baso nakita niya ang mukha ng isang talunan. Tuluyan nang napaluha si jerum. Sumabog ang nag pupumilgil na sakit sa kanyang puso. Iniangat niya ang baso at pinag masdan ang sarili. Nag balik sa kanyang gunita ang mga masasayang ala-ala Nabuhay ng bahagya ang kanyang dugo at kumurba ng bahagya ang dulo ng kanya bibig. Binaba ang baso at nag balik tanaw sa nakaraan.