PANAGINIP minsan nakakatakot minsan masaya, ito ay nararanasan natin tuwing tayo ay natutulog at sabi ng iba hindi daw ito maaaring magkatotoo pero ang tanong ko ay paano kung magkatotoo nga ito? Pwede nga bang mag katotoo? Ito ay parang isang movie ngunit sa Movie na ito, ikaw ang bida at nasa iyo kung anong gagawin mo, kung anong pipiliin mo pero mag iingat ka dahil ito ay maaring mag bago. Madaming tao ang umaasa sa panaginip, madami ang nag hihintay na magkatotoo ito ngunit pwede nga ba? Pwede nga bang mag katotoo ang isang panaginip? Magiging masaya ka ba sa realidad katulad ng kasiyahan na nararamdaman mo sa tuwing ikaw ay na nanaginip? O hanggang panaginip na nga lang ba? Hindi mo ito masasabi, kadalasan ang ating mga napapanaginipan ay ang mga bagay na ating minimithi o ang ating mga gusto kaya minsan ay merong mga tao ang nagigising sa katotohanan dahil dito Ito ay pwedeng maging inspiration ng madaming tao kagaya ng aking naging inspiration. Ako si Elisha Margarette at ito ang aking kwento...