Itama ang mali.. paano mo magagawang maitama ang pagkakamaling nagawa mo kung hindi mo alam kung saan ka nag umpisang magkamali? Dahil namatay na ang lola Isabela ko ay naisipan ng pamilya na ibenta ang lupain ng mga Hermosa sa Batanes.Noong bata ako ay sinabi ni lola na ang lugar na yun daw ay sagrado para sa yumao nyang kapatid na babae kaya hindi yun pinagalaw ni lola.Ako bilang dakilang pasaway ay pinarusahan at inutusang ibenta ang nasabing lupa. Hindi ko inaasahan na sa simpleng pagbebenta lamang ng lupa ay makakaranas ako ng hindi kapani paniwalang pangyayari na syang magpapabago sa pananaw at pagkatao ko. Ako si Onica Ver Sanchez Fuentes at masasabi kong ito ang nag iisang tama sa lahat ng maling aking ginawa.