Siya si Zefearianna Cullen Klein. Ang nagiisang babaeng anak ni Mr. and Mrs. Klein, ang isa sa mga pinaka-maimpluwensyang pamilya sa bayan ng Qasphiel, kung saan sila naninirahan. Tama kayo, siya ang nakababatang kapatid ng dalawang lalaking Klein--- si Creios, ang pinakamatanda at si Caden, ang pangalawa. Sa isang pitik lang ng kaniyang mga daliri, nariyan na agad ang gusto niya, alahas, mga nauusong damit, sapatos at higit sa lahat ang paborito niya, ang pagkain. Kung kaya't huwag na kayong magtaka kung 'spoiled brat' ang dalagang ito. She also loves pranking everybody who sets foot in their mansion, matanda man ito o bata, opisyal man ito o hindi. Isa na marahil ito sa dahilan kung bakit madalang lang magimbita ng bisita ang kaniyang mga magulang, kung meron man ay bantay sarado siya dito. Hanggang sa dumating ang punto na sumobra na siya, at kailangan niyang madisiplina. At lahat ng iyon ay mangyayari lamang kung susundin niya ang kondisyon ng kaniyang mga magulang, at ito ay; Ang pumasok sa paaralan na hindi niya maimagine ang sarili niya na nagaaral roon. "MyGod Mom! It's the poorest University in town! That's torture!" "Complain all you want darling, it won't change anything. You are still going to The Ninth University." And that made her world upside down.