Limang taon nang karelasyon ni Hayley ang boyfriend niyang si Drake ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyari sa kanila. Ang kaso, nang may mangyari sa kanila ay sinabi ni Drake na ipalaglag ang bata kung sakaling magkaanak sila. Hindi alam ni Hayley ang gagawin niya lalo na't takot siya na baka itakwil siya nang magulang niya kapag nalaman na ang anak ng kalaban nila sa business ang nakabuntis pa sa kanya. Nang gabing nalaman niya na buntis siya ay doon niya na sana balak aminin sa magulang niya ang nangyari kaso sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabunggo niya si Lucien, at dahil sa takot niya na itakwil siya ng mga magulang niya ay itinuro niya ito bilang ama ng dinadala niya.