Sa loob ng Casa Lagrosa naninirahan ang pamilyang tanyag sa buong bayan ng Cordoba. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa haligi ng tahanang ito na siya ring ama ng nasabing bayan, isama pa ang mapagmahal nitong asawa at mababait na tatlong anak. Isang gabi, habang naglalaro ang bunsong anak, napadpad siya sa basement (silong) ng kanilang bahay. Madilim ang paligid at nababalot ng katahimikan ang buong casa. Pagkatapos ng langitngit ng pinto ay sumunod ang malakas na pagpalahaw ng anim na taong gulang na bata. Magmula noon ay hindi na muling natahimik pa ang pamilya Lagrosa