Nabago ang mapayapa at matiwasay 'kong buhay ng may isang matapang at nakakatakot na babae ang dumating sa buhay ko. Sa totoo lang, hindi pa naman niya ako nasasaktan ng pisikal. Ang kinatatakutan ko lang ay 'kung anong kaya niyang gawin sa akin. Mukha kasi siyang dragon tuwing galit kaya hanggat maaari hindi ko siya inaaway o ginagalit. Takot ko lang na saktan ako nun, at saka 'kung hindi man siya galit ay ngingisi siya o 'di kaya'y tatahimik lamang ka'ya talagang kakaiba ang personalidad niya sa lahat ng babae na nakilala ko pero hindi ibig sabihin nun ay may gusto na ako sa kanya. Ni minsan hindi ko hiniling na magkaroon ng girlfriend na tulad ng babae na 'yun. Mas lalaki pa nga siya sa akin, kaya minsan ako ay nagmumukhang babae sa aming dalawa tss. May itsura naman siya ngunit talagang, halos lalaki na ang buong pagkatao niya minsan nga iniisip ko na baka isa siyang mayabang, at mahangin na lalaki nung past life niya. Maraming lalaki ang makita lang siya ay umaatras na sa takot pero hindi ako. Nanginginig man, pinagpapawisan ay hinuhuli ko parin, sinasabayan ang mga tingin, at titig niya sa akin. Kailangan, kahit papaano maiba pa rin ako sa lahat ng lalaki jan. Kahit medyo duwag ako, ay kaya ko rin namang maging mayabang at masungit na lalaki sadyang hindi ko lang ginagawa. Ayoko eh, ay saka aksaya lang ng panahon mas pipiliin ko ng hindi ako ganun kaysa nakakapanakit ng damdamin ng iba. Hindi ko nanaising may masaktan ng dahil lang sa akin. Mas pipiliin 'kong ako ang makatanggap ng masasakit at nakakainsultong salita kaysa ang iba. Kaya minsan hindi ko maintindihan ang babae na 'yon dahil napakalayo ng mindset namin. Pero palagay ko hindi na mahalaga pa 'yun dahil, hindi ko naman siya gusto at ayokong subukan pa ito dahil baka mapasubo lang ako. sjkskssjk <8