Mula sa pagkabata ay lumaking magkaibigan sila julios at brenda, lumaki silang sabay sa isang maranyang pamumuhay sunod sa luho at nakukuha ang anuman kanilang naiisin n walang hirap, hanggang nakarating na sila sa tamang edad at nagaaral sa isang mamahaling universisad, lumaki sila n parang tunay na magkapatid dahil pareho silang nagiisang anak ng matataas n tao sa lipunan, masaya si Brenda pagkasama ang kanyang kababata gayundin naman si julios, kung titingnan mo nga sila ay parang d lamang sila magkaibigan at mayroon pang mas namamagitan sa kanila, subalit ang lahat kay Brenda ay pawang pagkakaibigan lamang, salungat sa damdamin ni julios para sa dalaga, hindi maiwasan ni julios ang tunay na nararamdaman para sa dalaga, at gumagawa ito ng paraan para mapalapit sa dalaga, subalit ang dalaga ay mayroon ng tinatanging lalaki, at ito nga si John na mula sa isang mahirap na angkan...
Sa kabilang dako habang masaya at nageenjoy ng husto ang dalawa dahil sa masaganang pamumuhay, kabaligtaran naman para kay John, maaga siyang gumigising at nagtutungo sa bukid upang matugunan ang kanilang pangangailangan, dahil siya na lamang ang inaasahan sa pamilya buhat ng maulila sila sa AMA, at siya lamang ang lalaki sa limang magkakapatid at may sakit p ang kaniyang Ina na kailangan uminom ng gamot araw araw, batak ang katawan ng binata sa trabahong mahirap at wala siyang sinasayang n oras upang kumita para sa kanyang ina at sa apat na kapatid, mabait na bata siJohn mula ng siya ay bata pa magalang at walang bisyo kahit ano, minsan d maiwasan ni John ang lumuha dahil sa sobra nilang kahirapan, pinagmamasdan niya ang kaniyang mga palad na talaga namang makapal na sa kalyo dahil sa bigat ng kaniyang trabaho, ang magararo sa bukid at pumasok sa isang konstraksyon,upang mabuhay lamang ang kaniyang pamilya, at bago nga cya matulog pinagmamasdan niya muna ang kaniyang ina at apat na kapatid na babae, tanging luha lamang ang kanyang pinaghuhugutan ng lakas upang makayanan ang lahat.All Rights Reserved