Eunoia, Kailan ba ako magkakaroon nito? Maari bang sabihin na aking tatlong kaibigan o aking tatlong personalidad? Pero aking nabatid na sila ang aking gabay sa buhay na hindi napupunan ng kulay. Pero paano na lamang kung ang kasabihan na "lahat ng sobra ay mali" ay aking maisabuhay? Sobrang takot? Sobrang tuwa? At sobrang katapangan? Alin ba sa tatlo ang dapat napaiibabaw? Lalo na kung ako ay susubukin sa konsepto ng pagmamahal at pagsubok ng buhay. Sapat naba na hanapin ang pagmamahal na inaasamasam mula sa taong labis akong kinamumuhian upang aking masabi na, takot ako pero kakayanin ko, natutuwa ako pero alam ko ang tama at mali, matapang ako pero minsan ayoko na lumaban. Duwag? Masaya? Matapang? Sa iyong palagay alin ka sa mga ito, ako?.. Lahat.
3 parts