Isa lang kaming stranghero sa isat-isa, nagkakilala dahil pareho ang nangyari. Mahal pa niya ang lalaking nanakit sa kaniya at ako mahal ko pa ang babaeng iniwan ko. Sinaktan siya at ako naman ang nanakit. Pareho ng pinagdaan ngunit sa hindi magkaparehong paraan. Naging magkaibigan hanggang sa humantong na inaya ko siya sa larong ito. Laro kung saan hahayaan naming gamutin ang isat-isa sa sakit na nararamdaman naming dalawa. Ang mahulog sa laro ng pag-ibig ay siyang talo. Ang unang mahulog ay amin ng ititgil ang lahat. Ngunit sa pagdaan ng araw parang ayaw ko na ding bumitaw. Ayoko ng iwanan ang babaeng naging dahilan ng saya ko, at naging dahilan kung bakit ako nabuo ulit. Hindi ko alam ang gagawin ko, basta ang alam ko nalang ay hindi na ito laro... Nagiging totoo na ang lahat. Start: JUNE 25, 2022 END: JUNE 26, 2022