They're highschool sweethearts. Legal din sila sa mga magulang ng isa't isa. Dahil na rin sa magandang samahan nila ay napapaisip na rin sila sa kanilang kasal hanggang sa nagpropose na nga ang kanyang nobyo sa kanya sa mismong graduation day nila na sobrang ikinasaya naman niya. Ngunit ang kasiyahang iyon ay mawawala sa isang iglap dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Mawawala sa kanya ang lalaking pinangakuan siya ng panghabang-buhay.. Sa paglipas ng ipang taon ay mag-aaral siyang muli malayo sa mga ala-ala ng nakaraan upang makapagsimulang muli. Ngunit paano kung sa paglipat niyang ito ay makikita niyang muli ang nobyo?? Siya nga ba ito? Posible bang mabuhay ang taong patay na??