Cherry dream that she was being kissed by a breathtaking prince charming. Dahil doon ay nahumaling s'ya sa ideya na baka ito na ang lalaking nakatakda sa kanya. Kaya nang makaharap niya ang counterpart ng lalaking iyon sa totoong buhay na si Dr. Atom Aurelio ay literal na nagkandarapa siya na makilala ang doktor at mapalapit dito. Lakas-loob pang umakyat siya ng ligaw. Hindi naging madali ang lahat dahil kilala si Atom na hindi naniniwala sa pag ibig . Pero dinedma lang ni Cherry ang mga sabi-sabi. Sa halip ay nangako pa siya sa sarili that she will make the man fall in love with her. Umaasa siya na may magandang. kahihinatnan ang pag ni-ninja moves niya sa lalaki. Subalit isang gabi, ipinamukha sa kanya ng tadhana na nag-iilusyon lamang pala siya. Talaga nga yatang kabaliktaran ang mga panaginip...