Si Señorita Corazon Francesca Montefalco y Rodriguez, o mas kilala bilang Señorita Corazon, ay isang tahimik, mahinhin, maganda, at mayuming mestizang dalaga na ipinanganak at nakatira sa imperyo ng Espanya. Pinalaki siya sa yaman at karangyaan subalit ang puso niya naman ay 'sing lambot ng bulak at 'sing linaw ng kristal na tubig. Mayroon din siyang hindi naitatagong interes at pagmamahal sa wika at kultura ng bansang Pilipinas. Ngunit, magbabago ang kaniyang tahimik at mapayapang buhay dahil sa mga pamilyar ngunit malagim na mga alaalang kaniyang masasaksihan sa kaniyang pagtulog sa gabi. At lahat ng mga alaalang ito ay magbabalik simula nang dumating sa buhay niya ang kaniyang maestro. Si Ginoong Simoun. Note: This one-shot story is a fanfiction inspired from Jose Rizal's Noli Me Tangere