Hindi naging madali para kay Tristan ang pakisamahan si Wesley dahil sa gulong ginawa nito sa kaniya noon. Matagal na niyang pinangako sa kaniyang sarili na kahit kailan ay hindi na magbibigay muli ng atensyon sa taong kinamumuhian niya subalit naging mahirap ito dahil anumang gawin niyang pag-iwas ay siya namang pag-krus nila ng landas.