SA SIMULA -Inilahok sa patimpalak ng PluMakata sa Fb Salamat po sa lahat Sa bumasa't nagtiyaga Sa inilahok na tula Sa patimpalak ng PluMakata Di Man ako ang magwagi Sana nama'y nakapagbahagi Nang mga dagdag kaalaman Mga dapat nating pahalagahan Una na roon maging magpasalamat sa maykapal Panibagong araw na idinadagdag, pagkagising ay buhay Ikalawa ay pagpapahalaga sa ugnayan sa sambahayan Na kahit gaano kaabala kailanman ay wag nating kaligtaan Nakita niyo naman ay nabasa pala Nang maging abala, ugnayan ay napabayaan Di na siya nakamusta't nabantayan Nabaling na tuloy sa masamang kasamahan Ikatlo na dapat ay sa una pala Ay yung paggalang sa magulang Ikahuli na siguro para di na humaba Pagpahalaga sa bawat isa habang sila'y andiyan pa. Sa muli ay pagbati sa lahat ng kalahok Kahanga hanga hanggang yung panghuli sa tuktok Gayundin sa PluMakata, sa mga admin na may pakana. Nagbigay tiyansa, mapaunlad ang wika at kaming mga makata