HE'S INTO HER Season 1 by; maxinejiji

343 5 0
                                    

𝐷𝑒𝑑𝑖𝑐𝑎𝑡𝑒𝑑 𝑡𝑜/𝑎𝑢𝑡ℎ𝑜𝑟:maxinejiji

ROMANCE

PUBLISHED UNDER LIB with 8 book parts.

Masaya at madali lamang ang buhay para sa isang Deib Lohr Enrile, na hinahangaan ng napakaraming babae dahil sa itsura niya at bukod doon ay wala na. Halos ang lahat ay nasa kaniya na, mapagmahal na pamilya, maunawain at maaasahan na mga kaibigan, talento, talino, magandang itsura, pera, kasikatan, magagarang damit, kayabangan, kaaway at ugaling medyo may kasamaan. Mahilig siyang mangbully para lang mapasaya ang sarili. Kilala bilang Campus Enemy Number One dahil sa  angking talento sa pang-aasar sa mga baguhang estudyante na papasok sa paaralang pag-aari rin naman ng kanilang pamilya. Sikat siya sa mga babae pero hindi dahil crush siya ng mga ito, kundi dahil takot silang mapag-TRIP-pan. Para sa kaniya ay mabait parin naman siya, huwag mo lamang siya aasarin.

Sa kagustuhang sagutin ng babaeng dalawang taon na niyang nililigawan ay nangako siya sa sarili na magbabago at titigilan ang pagiging BULLY. Ganoon siya kadesididong maging nobya si Kimeniah, ang babaeng pinapangarap niya. Maganda, mabait, matalino, at mayaman. Kung hindi lamang maliit ito ay mukha na siyang perpekto.

Ngunit sa pagpasok ng huling taon niya bilang High School student ay nagawa niyang sirain ang sariling salita. Nakilala niya ang kauna-unahang  tao na naglakas-loob na patulan ang mga kalokohan niya. Ang taong kamumuhian niya ng higit pa sa inaakala niya. Ang taong nagawang baguhin ang mga pananaw niya sa buhay ng dahil lang sa hindi makatwiran nitong prinsipyo.

Siya ba ang gumulo sa buhay nito? O ito ang gugulo sa buhay niya?

Isang tao na kamumuhian niya ngunit may pagkatao na hindi niya mahulaan.

Ang babae na makakapagpapatunay sa kaniya na hindi lahat ng taong gusto mo ay mahal mo.

HE'S INTO HER Season 1 by; maxinejiji

-𝙍𝙝𝙚𝙖𝙋𝙞𝙙𝙚𝙧

Wattpad RecommendationsWhere stories live. Discover now