"Moji dahan dahan lang sa pag takbo baby baka madapa ka" pag sasaway ko kay moji andito kami ngayon sa VIP room at nandito rin sina Harriot,Harrison,Collins,at Harry kinunan na rin ako ng mga ito ng sariling kwarto dahil na rin sa baka di ako komportable dun sa office ni Madrid gawa ng maraming ibang doctor at nurse ang bigla bigla nalang pumapasok.Isa itong malaking kwarto at kung di ako nag kakamali mga mayayaman lang ang kayang kumuha nitong kwarto at nalaman ko ring pag mamayari pala nila Madrid ang hospital nato.
"Moji habulin mo si daddy haha" Tiningnan ko naman ng masama si Collins ng pinag tritripan nito si moji.Nung una nag tatalo pa kami ng mga ito dahil gusto akong dalawin ng mga ito at sinabi ko na rin sa kanila na kung pupunta sila dito wag na muna nila dadalhin si moji dahil baka mahawa ito sa sakit ko or di kaya baka kung ano-anong sakit pa ang makukuha nito dito sa hospital pero gawa ng makulit itong si moji at gustong gusto na rin ako makita at makasama nito wala na rin ako nagawa ang mga daddy's nito kaya't sinama na rin ng mga ito ang bata.
"Tama na nga yan Collins' halika ka moji kakain tayo" pag sasaway nitong si Harry kay Collins sabay buhat kay moji'
" tara mag sna-snacks tayo mojiii " nakangiting alok nito sa bata.Halos pag kain at bulaklak ang nandito sa kwarto iwan ko sa mga ito nag mumukhang lamay itong kwarto sa dami ng bulaklak na dala ng mga ito may mga prutas at kung ano ano pang pagkain. Maya maya pa ay dumating na si Madrid lumapit naman ito sakin at tila sinusuri ang naka kabit sa kamay ko maya maya pa ay may kung anong sinusulat ito sa clip board na hawak nito.
" mukhang bumababa na ang lagnat mo sam konting pahinga at gamot nalang makakalabas kana " nakangiting sabi nito.
" Hoy Madrid tama na yang pag giging doctor kwak mo ' ito sam mag meryenda ka muna" pag bibiro ni Harriot dito kay Madrid sabay abot sakin ng pag kain.
" tsk Doctor ka rin naman ahh palibhasa puro bahay kasi inaatupag mo" pag bibiro nitong si Madrid kay Harriot napailang nalang ako sapag tatalo ng mga ito ' Doctor din pala itong si Harriot pero mas gugustuhin pa nitong maging architect '
" Moji halika kay mommy " kinawayan ko naman ito na lumapit sakin agad naman itong binuhat ni Harry at pina upo sa tabi ko.
"busog na ba ang baby, kain ka ng marami para di ka mag kasakit tulad kay mommy okay?" pag lalambing ko dito sabay haplos sa buhok nito napangiti naman ako ng hinalikan ako nito sa pisngi. Aliw na aliw naman itong nag lalaro sa tabi ko kasama ang mga cute na cute na mga teddy bear nito.
" Nga pala sam kamusta pakiramdam?" nag aalalang tanong sakin ni Harry nginitian ko naman ito sabay sabi na okay lang ako. Maya maya pa ay may kinuha itong mga paper bag sabay lapag sa mesa na nasa tabi ko.
"Binilhan na rin kita ng iilang mga personal na gamit mo' sabihan mo lang ako kung may kailangan kapa" nakangiting sagot nito '
" nako okay lang ako' wala na rin akong ibang kailangan at isa pa magaling na rin ako at anytime pwede na rin ako lumbas dito" nakangiting sagot ko dito '
"kahit na magaling kana kailangan mo pa rin mag pahinga dito sa hospital para di ka mabinat Sam " nakangiting sagot nito sakin na tila pinag sasabihan ako.
"nako okay lang yun haha konting lagnat lng ito at saka may trabaho din ako na dapat ko pang gawin" nakangiting sagot ko dito ' nagulat naman ako ng biglang bumulaga sa harap ko si Collins na may hawak hawak na pizza sa kamay
" nako kahit wag kana pumasok sam tuloy pa rin ang sahod mo and remember ako ang boss mo kaya sakin ka susunod" Sagot nito sabay kain sa pizza na hawak nito sasagot na sana ako ng pigilan ako nitong si Harry '
"Kahit ilang araw ka lang muna mag pahinga sam at pwede kana ulit bumalik sa trabaho mo " sagot nitong si Harry ' napa iling nalang ako sa mga ito at di na nakipag talo dahil alam kong wala akong laban sa mga ito.
Nag kwentohan lang kami hanggang sa di na namin namalayan ang oras at gabi na din pala nag paalam na rin sila Harriot at Harrison na mauuna silang umalis dahil may mga aasikasuhin pa ang mga ito '
Napatingin naman ako kay moji na ngayon naka higa at nakayakap sakin at himbing na himbing sa pag kakatulog nito." Hayaan na lang muna natin siya matulog mukhang napagod ata kakalaro sa iyo kanina" bulong ko kay Collins ng akmang gigisingin nito ang bata.
" kailangan na namin umalis sam" sagot nito sabay tingin kay moji na nag aalangan pang gisingin or hindi.
"Pabayaan muna natin mag pahinga si moji ' ikaw muna bahala sa kanya sam tatawagan ko nalang si Harris siya nang bahala sumundo kay moji mamaya pag gising na ito" sagot ni Harry sabay kumot kay moji.
"Wag kayong mag alaala ako ng bahala kay moji " nakangiting sagot ko sa mga ito di nag tagal nag paalam na rin ang mga ito na aalis na at ngayon ako at si moji nalang ang narito sa kwarto napangiti naman akong nakatingin kay moji ang cute cute nitong matulog at tila di alintana nito ang lamig sa kwarto ' inayos ko naman ang pag kakahiga nito , Medyo malaki rin kasi ang kama na hinihigaan ko kung kaya't kasya ang dalawa dito.
Mukhang napapalapit na ang loob ko sa batang ito ' nakakalungkot lang isipin dahil ilang linggo nalang kukunin na ulit siya ng lolo niya at pupunta na ulit sa ibang bansa pag katapos ng business tour nito.
Maya maya pa ay' nakaramdam na rin ako ng antok ' alas otso na rin pala ng gabi kung kayat inaantok na rin ako gawa na rin ng gamot na iniinom ko na mas lalo pang nag pa antok sakin ' Nahiga na rin ako at niyakap ang cute na cute na batang ito at nakangiting hinalikan ito sa noo.
" Goodnight moji"
YOU ARE READING
The Unknown Billionaire
RomanceSamaria Amerson the only daughter of the Walker Family who have a biggest Empire in the world with all of money ' power ' beauty ' Samaria wanted to live in a simple life trying different things made her happy but living in a simple life change her...