Prologue

3.5K 63 3
                                    

Simula. . .

Ayesha Fuentes Madrigal PoV,

Kusang tumulo ang aking luha habang pinagmamasdan ang suot kong singsing. Hindi ko alam kung kailan ako magigising sa bangungot na aking kinahaharap.

Parang kailan lang nung nagsakripsiyo at ipinaglaban pa naming dalawa ang isa't isa, para lang maikasal.

"It's been three years Mahal." hikbi ko.

Mahinang napahagulgol ako habang tinatanaw ang labas ng bintana, at naghihintay sa wala. Ilang linggo na siyang hindi umuuwi, matapos ang sunod sunod na isyu na kinahaharap niya kasama ang isang sikat na aktres.

Sanay na ako sa mga kontrobersyang kinasasangkot ng asawa ko, subalit hindi ko parin maiwasang masaktan sa mga ginagawa niya. Binigay ko naman ang lahat sa kaniya ngunit nagawa niya pa ring maghanap sa iba.

"Ma'am Aye."

Humugot ako ng hininga. "Po?"

"Nakauwi na po si Sir Raquel." sagot nito.

Suot ang simpleng kulay pulang bestida. Humarap ako sa salamin, maganda parin naman ako kahit namumugto ang aking mga mata, wala namang nag-iba sa akin... pero bakit lagi siyang naghahanap ng iba?

"Manang Silva may problema po ba?" tanong ko nang makita ang nag aalangan nilang mga mukha.

Nagkatinginan silang lahat. "Ma'am Aye... ano kasi... uh kasama kasi ni Sir, yung Veron." sagot ni Ate Ferlyn at umiwas ng tingin sa akin.

Kumirot ang puso ko sa narinig. Hindi ako ang may ari ng mansyon, pero ang kapal ng mukha niya at dinala niya ang kabit niya dito.

"Ma'am Aye!"

"Jusko Ferlyn sundan niyo!"

Dagli akong bumaba, ngunit natigil rin ng makitang masuyong hinahalikan ng asawa ko ang pisngi niya. Napahawak ako sa dibdib at tila nanghihina ako sa nakikita.

Raquel... bakit?

"Babe, what do you want to eat?" masuyo niyang tanong sa babaeng nakakandong sa kaniya.

Tumikhim ako. "Mahal."

Magkasabay na lumingon sa akin ang dalawa. Malalim at punong puno ng emosyon ang mga matang pinupukol sa akin ni Raquel habang nangingisi si Veronica at enjoy na enjoy sa pagkakandong sa asawa ko.

"Bitch." aniya at bumaba sa pagkakaupo sa asawa ko.

Inignora ko ito. "Uh Mahal naayos naba ni Sir Arnold yung isyu?" kiming tanong ko.

Wala akong natanggap na sagot sa kaniya bukod sa paghalakhak ni Veronica. Kinagat ko ang sariling labi, para pigilan ang sariling umiyak sa kanilang harapan.

"Oh dear, our relationship is not an issue." nangingiting sagot ni Veronica at hinalikan sa pisngi ang asawa ko.

Kumuyom ang kamao ko. "Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya manahimik ka diyan!" inis kong bulyaw.

"Ayesha!" may pagbabanta sa boses ni Raquel.

"Ano Mahal? Asawa mo ako kaya dapat ak-" napatigil ako sa pagsasalita ng tinanggal niya ang singsing sa kaniyang daliri at inilagay ito sa mini table kasabay ng paglatag ni Veronica ng brown envelope.

"Mahal anong ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong ko habang palipat lipat ang aking tingin sa kaniya at sa singsing.

Kay Veronica siya nakatingin. "We just came here to give the annulment paper." malamig niyang sagot.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now