C H A P T E R 13

1.3K 49 1
                                    

C H A P T E R  1 3

"Haba ng bakasyon ah?."

Pumikit ako at napabuga ng hangin ng harangan ako ng grupo nila Margaux. Iniwagsi ko ang kamay ni Jane ng pigilan niya ako makapasok sa office ng Head Supervisor namin.

"Ano ba?!" inis kong bulyaw sa kanila.

Kung alam ko lang na sila ang sasalubong sa akin at ganito lang mangyayari, hindi na sana ako nagpumilit pa kina Khalix at Raquel na bumalik ulit dito sa Vitro E para magtrabaho.

"Matapang kana?" nakangising tanong ni Donna.

Umirap ako at hinarap sila. "Ano ba talaga ang problema ninyo sa akin? Four months na nga akong nawala, hindi parin kayo titigil?!"

"Ikaw! Ikaw ang problema namin. Ang galing mo rin eh noh? Hindi mo nakuha si President kaya naman nagpabuntis ka kay Mr. Trevor." sigaw niyang sagot.

Napailing ako at kinakalma ang sarili. Pinagkibit balikat ko ang pagvibrate ng cellphone ko, masama ko silang pinasadahan ng tingin. Hintayin lang nilang makaanak ako, makakatikim ulit sila sa akin. . .

"Ms. Madrigal, what brought you here?"

Nakahinga ako ng maluwag ng makita si Mrs. Henxon. Napalingon ako sa aming paligid, pinagkukumpulan kami ng mga kapwa ko empleyado. Ang ilan sa kanila ay masama ang tingin sa akin at ang ilan ay nagbubulong bulungan.

"Ma'am uh-"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng sinagi ako ni Jane at  lumapit si Margaux kay Mrs. Henxon at may kung anong binulong.

"You're fired!" sigaw nito.

Napangiwi ako sa sakit, hindi ko innasahan na makakatanggap ako ng ganoong kalakas na sampal mula sa kaniya.

"Thanks Mommy!" masayang sinabi ni Margaux.

Ngumiti si Mrs. Henxon. "You're always welcome."

Sandaling napakapit ako kay Mrs. Henxon ng hilahin niya ang braso ko. Nakaramdam ako ng panghihilo at ininda ang sakit sa pagkakahawak niya sa akin.

"Mrs. Henxon." boses iyon ng pinsan ko.

"Baka gusto mong tanggalin kita Ms. Fuentes?" banta nito sa pinsan kong working student.

Kahit nanlalabo ang paningin ko, sinenyas kong manahimik siya. Ayokong matanggal siya at masira ang pangarap niyang maging pulis.

"Mommy, ako na ang bahala sa kaniya, baka hanapin ka ni President." sabi ni Margaux.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, nahihilo na ako at nanlalabo na ang aking tingin, tanging ang boses nalang nila ang malinaw na malinaw sa akin.

Lalong humigpit ang kamay niya sa aking braso. Impit akong dumaing ng itinulak ako nito. Kinapa ko ang pader at maingat akong tumayo.

"You sure?"

"Yes Mommy, kasama ko naman sila Jane."

Impregnated By The Billionaire Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora