Third

85 3 3
                                    


PAGHILA niya ng lever, napaupo ako bigla't napapikit nang may maramdamang malakas na pwersa. Niyakap ko ang mga binti ko. Rinig ko ang malakas na kalabog at tunog, na para bang i-l-launch na ang isang space rocket-pero ako na 'to, ngayon. Nandito na ako sa mismong spaceship na ni-l-launch. Ako na 'yung mismong nandito sa loob . . . hindi na ako 'yung nanonood lang ng mga videos dati about sa mga spacescraft na ni-l-launch-ngayon, ako na 'to. Ako na 'yung mismong pinapanood . . . ng kung sino . . . kung may nanonood man. Ramdam ko ang biglaang pagtaas ng mga balahibo ko. Ito na . . . abot-kamay ko na.

Lumakas pa ang sound, ramdam kong umaakyat na kami't papataas na ang force, tila ba yumayanig ang spaceship. Muntik na akong matumba sa pagkakaupo ko sa sahig, buti na lang na-balance ko ang sarili. Ramdam ko ang matinding pagkabog ng puso ko, nanatili lang akong nakapikit, saka sumigaw, "U-Uy! Ba't naman-"

Hindi ko na natapos ang pagrereklamo ko nang may maramdaman akong kamay sa malamig kong kamay, saka ko naramdamang inilagay niya ang kamay ko sa damit niya. Na para bang sinasabi niyang humawak ako ro'n . . . para hindi ako matumba.

Pagdilat ko, ayun nga. Nakahawak na ang kamay ko sa color red niyang damit. Hinigpitan ko ang paghawak sa damit niya, dahilan ng pagkalukot no'n. "T-Thank you," sabi ko't pumikit ulit. Ang isang kamay ko ay nakayakap sa mga binti ko. Ramdam kong tila ba umikot ang kung ano mang nasa tiyan ko. Feeling ko tumalbog ang puso ko papunta sa tiyan ko sa sobrang lakas ng pagtibok no'n.

Maya-maya, tumigil na ang tunog at ang malakas na pagyanig ng spaceship. Nakahinga ako nang maluwag. Malamang, tapos na i-launch 'tong spaceship. At malamang, lumilipad na kami ngayon-sa color dark blue na langit-papunta sa space . . . palabas ng Earth.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Nakita ko iyong ka-schoolmate ko na may pinipindot sa buttons, sobrang busy siya roon. Kaagad kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa damit niya nang ma-realize kong nakakapit pa pala ako ro'n. Napahinto siya sa saglit sa pagpindot dahil do'n, pero itinuloy din niya ulit.

Umurong ako, umusog papunta sa likod, saka sumandal sa pader habang yakap-yakap pa rin ang mga binti ko. Tumingin ako paitaas, at tama nga, iyon na . . . kita ko sa iilang mga monitor screen ang view-na ang spaceship namin ay lumilipad-mabilis na lumilipad sa dark blue na langit . . . lalabas na kami ng Earth. Ang cool, dahil nandoon kami sa loob no'n.

Iniwas ko ang tingin ko ro'n. Nakatulala lang ako sa sahig, nag-s-space out. Iniisip ang mga maiiwan ko sa Earth o kung makakabalik pa ba ako ro'n.

Parang may biglang nag-pop-up na light bulb sa utak ko. Dali dali kong kinuha sa suot-suot kong backpack ang phone ko para i-chat si Ann bago pa kami tuluyang makaalis ng Earth.

Ang chat ko:

Pakisabi kay mama dyan muna ako sa bahay mo nag-s-stay. Hahanapin kasi ako nun, medyo matagal tagal akong mawawala . . . siguro.

Basta ikaw na bahala, pagtakpan mo ako please. Ililibre kita pag nakabalik ako.

Binigay ko rin kay Ann 'yung password ng FB account ko, para i-chat niya rin si mama gamit 'yon. Tipong kunwari ako ang kausap ni mama kahit na si Ann naman talaga 'yon. Para naman ma-assure si mama, for sure mag-aalala 'yon para sa 'kin. Siyempre hindi ko sinabi kay Ann kung saan ako pupunta, iisipin no'n nag-i-imagine lang ako't nasobrahan ako sa astronomy.

Pagkatapos ko siyang i-chat, ibinalik ko ang phone sa bag. Niyakap ko ang mga binti ko't napabuntong-hininga na lang, habang tinititigan ulit ang sahig.

Maya maya biglang napansin ko na lang ang schoolmate ko na nakatayo na pala sa harap ko't may inilalahad siya sa 'kin na blue pajamas. Pinagmasdan ko siya . . . nakasuot na rin siya ng color blue na pajamas. Wala na ring gel ang buhok niya't medyo magulo. At wala na siyang suot na eye patch.

Unknown UniverseWhere stories live. Discover now