CHAPTER 35

959 32 0
                                    

Chapter 35

Hindi ko alam kung ano ang uunahin o iisipin. Masyado na akong maraming nalalaman sa isang araw lang at pakiramdam ko’y hindi ‘to kaya ng isip ko o kahit katawan ko. I felt like giving up. I felt like my strength were leaving me.

But then I remembered that I need to face my father. Ang dami kong kailangang itanong sa kanya. Kung bakit niya kami iniwan, kung bakit hindi niya sinabi sa amin na nandito lang siya sa davao.

Ang dami kong gustong isumbat. Gusto kong umiyak hanggang sa wala ng luha ang pumatak sa aking mata. Nakakapagod pero ito lang ang paraang alam ko para pawiin ang sakit ng puso ko.

What I read earlier, it was like a lightning  strike straight to me. Buhay nga ako at humihinga ngunit para akong namatay sa nabasa. I don’t want to conclude or jump into conclusion or what but what I read is clearer than water.

Lilliene is pregnant. And Casper is the father.

That’s absurd, right? I mean, kahit anong isipin ko, doon parin talaga papunta. Si Casper ay nakabuntis ng ibang babae. Binabalik-balikan ko sa isip na baka nagkamali lang ako sa pag basa pero iyon talaga. Hindi malabo ang mata ko, malinaw na malinaw ko itong nabasa.

I tried defending him at my mind. Na baka nagbibiro lang si Lilliene o baka pina-prank lang si Casper. Pero gawain ba iyon ng matinong babae? Ginagawa bang prank ang ganoong sitwasyon? No, it’s not. Lahat ng nabasa ko, lahat ng nalaman ko, totoo ‘yon.

Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit hindi ako umiyak matapos mabasa ang mensahe. Ngunit ang puso ko, saglit na hindi ko naramdaman ang pag tibok nito. It felt like it stop beating for a second. Good thing I’m still alive right now.

Tita Helda and Dio were clueless about what happen. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa iba iyong nabasa ko. Halo-halo na ang emosyon na tumatakbo sa sistema ko at hindi ko na alam ang gagawin. I just wanted to end this all. Gusto kong isahan nalang para matapos na ang lahat. Gusto ko ng magpahinga.

Hanggang sa makarating kami sa subdivision kung nasaan ang kanilang bahay ay okupado parin ang isip ko. Tumatakbo ang iba’t ibang senaryo dito at karamihan doon ay kung paano ko haharapin si Casper matapos ang nalaman. How can I face him after knowing everything?

But it’s not my fault. Hindi dapat ako ang mahiya. Siya ‘yong may kasalanan, bakit ako ang nahihirapan?

Maybe because I’m too fond at him that I got to the point that I’m scared to lose him. Parang gusto ko nalang tanggapin ang ginawa niya basta’t h’wag lang siyang mawala sa akin. Kahit mali at masakit, iyon ang pumapasok sa isip ko.

“Are you okay, coz?”

Napakurap-kurap ako at nag angat ng tingin kay Dio. Pinilit kong ngumiti kahit ayaw makisama ng labi ko.

“A-Ayos lang naman. Kinakabahan lang ako ng konti.”

“It’s okay, that’s normal.” He smiled. “tell me if you need anything, okay? I’m just here. We are here for you.”

Kahit papaano ay malambot na napangiti ako. I’ve never felt a cousin’s love and care dahil wala naman akong kakilala na pinsan ko. But now, I know someone and this feeling is great. It’s a feeling the same with with my mother. It will never betray me.

SOLD TO THE BILLIONAIREWhere stories live. Discover now