[ 1 ] Sky Arena Arc

151 5 3
                                    

Hesuwo's POV

"Hindi na natututo itong mga taong 'to, buo na ang desisyon kong ubusin na lamang ang lahi ng mga taong yan!" Galit na galit na salita ni Bathala sa harap ng lahat ng Mythical gods.

"Sang ayon naman ako sa pinaplano mo mahal na Bathala." Agad naman na wika ni Diwata.

"Ano? Lusubin naba natin agad?" Sabi din ni Mangagaway.

"Kung sang ayon naman kayong lahat, hinding hindi ko na babaguhin ang desisyon ko."

"Sang ayon naman ang lahat,at isa pa sila, ang dahilan kung bakit hindi ko makain-kain ang nag-iisang buwan na iyan...ni isa wala pa akong nalunok! Kaya pag naubos sila, mapayapa ko nang magawa ang gusto ko! BWAHAHAHA" Tuwang tuwa naman na sabi ni Bakunawa.

"Inubos nila ang pasensya ko, kaya bukas na bukas, uumpisahan nating ubusin ang mga tao na yan!"

"Tutol ako sa desisyon mo Bathala!" Nagulat at napatingin ang lahat ng mga Mythical gods sa main gate ng konseho ng magsimula akong magsalita.

"Bilang Guardian ng mga tao, hindi ako papayag na basta basta niyo nalang ubusin silang lahat!"

"HAHAHAHA di hamak na Guardian ka lang ng pilipinas Hesuwo, anong magagawa mo sa pinag-samang lakas ng mga Mythical gods ng pilipinas?" Sumbat ni Bathala sa mga sinabi ko.

"Maaaring hindi ko kaya, pero marami akong bayaning kilala na pwede kayong patumbahin!"

"Sa tingin mo, uubra ang kakayahan ng mga bayani mo sa lakas na taglay ng mga gods na ito?" Sabay itinuro nito ang mga Gods na nasa paligid.

"Maaari!" sabi ko at medyo napaatras ito dahil confident akong sinagot ang tanong niya."Maaaring meron! Mythical gods nga kayo pero may limitasyon rin ang mga kapangyarihan niyo."

"Limitasyon? Hindi kapa Guardian ng Pilipinas Hesuwo may pinag daanan na kami, wag mo masyadong maliitin ang mga Mythical gods!" galit na salita nito at ibinagsak ng malakas ang tungkod nito.

"Hindi ko minamaliit ang mga kapangyarihan niyo Bathala, sinasabi ko lang na hindi lahat makakaya niyo, papatunayan ko yan sainyong lahat!" Itinuro ko si Bathala pagkatapos kong magsalita."Hinahamon ko kayong lahat sa isang 1 on 1 na labanan between Mythical Gods of the Philippines v.s. Heroes of the Philippines!"

Nagulat ang lahat sa sinabi kong hamon sa kanila, ito nalang ang natatanging paraan upang mapigilan silang lusubin at ubusin ang mga tao sa pilipinas, it might work, it might fail but who knows? Ita-try ko parin ang aking makakaya na bigyan ng mga kapangyarihan ang mga dating bayani ng pilipinas.

Once more, makakapag contribute at ma-aalala pa sila ng lubusan ng mga tao kapag natalo nito ang mga Mythical Gods.

"Nasisiraan ka na ba Hesuwo? Mga ordinaryong tao ipapalaban mo sa mga makapangyarihan na panginoon?!"

"May kapangyarihan din silang taglay Bathala, hindi lang nailabas dahil sa maaga silang namatay, at yun ang dahilan kung bakit sila naging bayani! Sa sakripisyong ginawa nila, naligtas ang Pilipinas at dahil sakanila, meron paring Pilipinas samantalang kayo nung kasagsagan ng mga digmaan sa pilipinas, ni isa sa inyo walang tumulong!" Sumbat ko sakanilang lahat.

Sinira ni Bathala ang tungkod nito ng dahil sa galit."Kung yan ang gusto mo, tinatanggap ko ang hamon mo! Dalhin mo bukas ang mga bayaning sinasabi mo sa Arena ko, para magkaka alaman kung may laban ba ang pinagmamalaki mo!"

Napangiti nalang ako sa sinabi niya at umalis ng konseho, buti nai-deliver ko ng maayos ang mga gusto kong sabihin, kanina pa ako kinakabahan na baka magalit si Bathala dahil sa pang-himasok sa importanteng pagtitipon nila, buti naman at napapayag ko sila.

Hindi ko papayagan na mabura sa mapa ang pilipinas, bukas na bukas, lalabanan namin ng buong puso ang mga Mythical Gods na ito!

Kinabukasan~~~

Ngayon na ang itinakdang araw, ang laban between Gods and Heroes ay magsisimula na!

Nailista ko na ang lahat ng Hero na gusto kong lumaban sa kanila, pero ang unang lalaban sa mga Mythical Gods ay si...Apolaki??

Kakaiba 'to, desperado talagang manalo ang mga 'to, isip isip Hesuwo! Dapat mong pag isipan kung sino ang una mong ilalaban kay Apolaki.

15 Minutes Later~~~

Alam ko na! Alam kong kaya niya 'to, dahil sa taglay nilang kapangyarihan ngayon, hindi na basta bastang matatalo ang Hero na ito!

Match na Match ang Fighting style nilang dalawa ni Apolaki! Sana aa first fight manalo agad, huge advantage agad yun!

Heto na, Match set... Apolaki v.s. ...

Arena~~~

Referee: Magandang araw sa inyong lahat na manonood mula sa mga tao at mga Mythical Gods of the Philippines, this is the first fight between Mythical Gods and Heroes! Humanda tayong lahat sa madugong laban na ito! Nakasalalay dito ang buhay ng mga tao! Pero alam naman nating lahat na isang kahangalang desisyon ito, Hero laban sa God? Ano yun? Pero Anyways, nandito na 'to!

In the First fight...ang pambato ng Gods, The god of the Sun and War....

APOLAKI!

Nang ma rinig palang ng mga Gods ang pangalan ni Apolaki ay naghiyawan agad ang mga ito, samantalang ang mga tao ay nagulat dito...malakas ang God na 'to pero match sila ng napili kong Hero.

While sa Heores Side naman, Ipinagtanggol nito ang bayan ng Cebu upang hindi masakop ng isang dayuhan na nagngangalang Magellan, ibinuwis niya ang buhay niya at ng mga kasama niya upang matalo ang mga dayuhan na balak sakupin ang Mactan, heto na!

LAPU-LAPU!

Nagsihiyawan naman ang mga tao ng malaman nilang si Lapu-Lapu ang unang lalaban para sa Heroes!

Magandang laban ito, hindi na ordinaryong hero lang si Lapu-Lapu! May kakayahan na itong makapag-patumba ng isang God na tulad ni Apolaki!

"Wow! Si Lapu-Lapu agad!"
"OMG,Lapu-Lapuuuuuu!"
"Si Lapu-Lapu in person! Nakita narin kita ng malinaw Lapu-Lapuuuuu!"
"Yeeyyyy hindi na black and white mukha mo Lapu-Lapu!"

Mga naririnig kong mga sigawan sa mga tao, masarap pakinggan na suportado ang mga tao kay Lapu-Lapu kahit na alam naman nilang Mythical God ang kalaban nito, pero magandang mapakinggan 'to! Dahil, hindi sila nawawalan ng pag-asa! Ibig lang sabihin nito may tiwala sila kay Lapu-Lapu!

"KAYANG KAYA MO SI APOLAKI LAPU-LAPU!" sigaw ko sakaniya habang palabaas na ito sa entrance ng Heroes side.

Battle Between Gods and HeroesWhere stories live. Discover now