[ 3 ]

17 3 0
                                    

Hesuwo's POV

Si Juan Luna! Dahil sa kapangyarihan nitong taglay, may tiwala akong kaya niyang tapatan ang lakas ni Bakunawa!

Si Juan Luna ay isang pintor, maraming paintings ang nagawa nito bago ito namaalam, isa na dito ang Famous Spoliarium na painting.

Dahil sa bagong kapangyarihan na ibinigay ko, tiyak ang panalo namin!

Kinabukasan~~~

"Ladies,Gentlemen and Gods! The second Fight is about to begin! From the Gods Corner!!!"

"This God got only one mission to finish, eto ay ang makain ang pitong mga buwan sa kalangitan!"

"Nakatago sa kailaliman ng dagat, nagtataglay ng napakalakas na kapangyarihan! "

"Siya ay isang dragon na nag anyong tao para sa ngayong laban! Ang mission nito ay kainin ang pitong buwan, ngunit dahil sa mga tao ay hinding hindi nito makain ang kahit ni isang buwan sa kalangitan!"

"Narito siya ngayon upang lumaban! Gods, Ang inyong pangalawang Panlaban!"

"BAKUNAWA!"

"Lagot, mukhang balak talaga nilang pananatilihin ang lamang nila sa atin!"
"Pano na ito?"
"Sino ang lalaban sa mga bayani?"
"Wala na talagang pag-asa tayong mga tao!"
"Manalangin lang tayo na manalo ang susunod na lalaban"

Nararamdaman ko sa mga tao ang kaba at pag-aalinlangan na matalo ulit ang pangalawang laban.

"Walang saysay ang panalangin mo sa mga oras na'to, kalaban natin ang panginoon niyo!" Sambit ko.

"And from the heroes corner! Siya ay isang sikat na pintor dito sa bansa, kilalang kilala ito sa mga famous niyang mga nagawang art! May magagawa kaya ang hero na ito para maka isa laban sa panginoon?"

"Malalaman natin yan! The second fighter of the Heroes side!"

"JUAN LUNA!"

"J-juan Luna?"
"Anong magagawa ng pintor nayan sa laban na ito?"
"MAGPINTA KA NALANG LUNA!"
"Hindi na Espanyol ang mga kalaban natin Luna!"
"Mabuti pa kung si Heneral Luna ang ilaban kesa diyan!"

Nainis ako sa mga reaksyon ng mga tao, sila natong tinutulungan pero hindi pa sumasang ayon sa mga plano ko!

Isang pintor si Luna, pero sa kapangyarihang ibinigay ko sakaniya, may laban siya!

"Maraming salamat sa tulong mo, Hesuwo!" Salita nito habang kumaway at naglalakad papunta sa gitna ng Arena.

"Goodluck Luna, para sa mga tao!" Sagot ko sakaniya sabay Thumbs Up.

"Mukhang nasisiraan kana nga Hesuwo, sinasayang mo lang ang kapangyarihan mo sa pagbuhay ng mga bayaning 'yan." Salita ni Bathala habang nakaupo sa Trono nito.

"Makikita mo Bathala! Manood kalang!" Sagot ko naman sakaniya.

"Mukhang masaya ka ngayon Luna, ano ang dahilan ng mga ngiting iyan?" Tanong ni Bakunawa kay Luna.

"Masaya lang ako dahil nabuhay akong muli Bakunawa." Sagot naman nito kay Bakunawa.

"Akala ko naman ang mga ngiting iyan ay dahil ibabalik kitang muli sa pinanggalingan mo? HAHAHAHA!" tuwang tuwa na sabi ni Bakunawa.

"Wag kang tumawa ng maaga Bakunawa, hindi mo pa alam ang nagagawa ng bago kong kapangyarihan."

"Mukhang masaya kang kalaban, simulan na natin agad 'to, nakaka excite naman!"

"SIMULAN NA ANG LABAN!"

Agad na sinugod ni Bakunawa si Juan Luna at tinamaan agad ito sa leeg niya.

Natumba sa kinatatayuan niya si Juan Luna at nagulat lalo ang mga tao.

"Sabi ko na, walang laban yan sa..." Napahinto ang taong nasa tabi ko sa sinasabi niya ng bigla itong nagulat sa nakita niya."B-Buhay pa pala!"

"Hmmm, akala ko naman ex..." Napahinto rin si Bakunawa sa sinasabi niya ng nakita niyang may nakatayong tao malapit sa katawan ni Juan Luna.

Ang lahat ay nagulat sa taong may bitbit na brush at card board na may nakalagay na mga kulay.

"At sino ka naman!" Tanong ni Bakunawa sa taong nakatayo at naka gentleman hat na hindi nakikita ang mukha nito.

"Ang bilis mo namang makalimot agad Bakunawa, tignan mo naman ang katawan ko, hindi manlang dumugo ang leeg ko!"

Nagulat ulit si Bakunawa ng makita niyang hindi dumudugo ang tama ni Luna, ang lalaking nasa tabi pala ng katawan ay si Juan Luna.

"Hmm, hindi ko alam kung paano mo nailagan ang Moonlight slash ko pero..."

Ginawa nitong muli ang Moonlight slash at tinamaan ulit sa tiyan si Luna, tinignan ulit ito ni Bakunawa at walang dugong lumabas ulit.

"Power of Art: Spoliarium!" Salita ni Juan Luna habang may inuukit ito sa hangin.

Biglang may lumabas na isang wave papunta sa kinatatayuan ni Bakunawa at tinamaan ito.

Naitapon ng malayo si Bakunawa sa ginamit na spell ni Juan Luna.

"Alam kong buhay kapa at hindi 'yan ang totoo mong anyo Bakunawa...Lumabas ka at ipakita ang totoo mong anyo!" Sigaw ni Juan Luna at biglang naging kulay asul ang lupa ng Arena.

Nagulat ako ng nawala ang katawan ni Bakunawa sa kinalalagyan nito nung naitapon ng Spoliarium attack ni Juan Luna!

Saan napunta!

"Tubig! Power of Art: Galleon!"

Tumalon si Luna sa kinatatayuan nito, Gumamit ng Spell para gumawa ng Barko.

Nagulat ito ng may biglang lumabas sa tubig na parang isang higanteng ahas.

"Sa wakas, inilabas mo narin ang tunay mong anyo, Bakunawa." sabi nito kay Bakunawa habang nakangiti.

"Mas na excite pa ako sa kakayahan mo Luna! Ibang klase ka pero..." Binalak ni Bakunawa na kainin ang barko ni Luna pero...

"Power of Art: Shield!"

At nabangga si Bakunawa sa ginawang harang ni Luna sa Harap ng barko.

"AHHHH!" sigaw ni Bakunawa habang napapalayo ng kaunti sa pwesto ni Luna."Nakaka hanga! Hindi kita malapitan!"

"Tama na ang salita! Ituloy lang natin ang laban! Power of Art: Spoliarium!"

"Moonlight Slash: Enhanced!"

Nakakahanga! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko! Pantay lamang ang lakas nilang dalawa!

"Nakakasabay si Juan Luna!"
"Ibang klaseng lakas ang taglay ni Juan Luna!"
"KAYA MO YAN LUNA!"
"Nagkamali tayo sakaniya!"

Nararamdaman kong biglang nag iba ang Aura ng mga tao, kung kanina puro pag-aalinlangan at takot ang nararamdaman nila, ngayon naka amoy ulit sila ng pag-asa.

"LUNA! LUNA! LUNA! LUNA! LUNA!"

Cheer ng mga tao kay Juan Luna habang patuloy ang palitan nila ng Atake.

"LUNAAAAAAA! WAG KANG SUSUKO!" Sigaw ko sakaniya sa sobrang hanga.

Nung naibaling ko kay Bathala ang aking paningin, na confuse ako kung bakit natutuwa parin ito sa nakikita niya, hindi ko masabi kung nasisiyahan ba siya sa nakikita niya o natatakot na matalo ni Juan Luna si Bakunawa.

Battle Between Gods and Heroesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें