Chapter Nineteen

1.1K 70 18
                                    

"HAPPY birthday, bestie!" Tili ni Nadia ang sumalubong sa akin sa hallway ng classroom namin.

"Ang ingay mo." Sabi ko pero ngumiti rin ako sa kaniya. "Thank you, Nade."

"Anong balak mo mamayang after class? Magluluto ka ba para sa birthday mo?" Patuloy na pag uusisa ni Nadia.

Saglit akong nag isip. "Hindi ko alam. Tinatamad ako magluto. Ililibre ko na lang ikaw."

Sumangayon si Nade sa gusto ko at agad kaming nagplano na kumain sa isang restaurant mamayang gabi. Sabi ni Nadia ay siya na daw ang hahanap ng restaurant. Hinayaan ko na lang kasi wala rin naman akong alam na maganda gandang restaurant dito. Mabuti nga at pinadalhan ako ni mama ng pang gastos ko sa birthday ko. Sinobrahan niya pa para raw marami akong magawa sa pera. Sabi ko nga ay wag na pero sabi niya ay inipon niya pa iyon sa mga nauna niyang sahod.

Na cut ang klase namin ng mga bandang alas tres dahil wala daw teacher. Dalawang araw na nasa sick leave kaya maaga kaming pinauwi. Nadia bid her goodbye and told me to wear something red later. Itetext niya na lang daw ang address.

Maaga pa lang ay nagintindi na ako ng sarili. I wore a red flowy dress that perfectly fit the curves of my body. Pinaresan ko rin siya ng white heels kaya naman mas nagmukha akong matangkad. I curl the end of my hairs and let it fall. Naglagay din lang ako ng light make up na bumagay naman kaagad sa suot ko.

When I received Nadia's text about the address, it scared me that it is in a high paid hotel. Di kaya ako mag mukhang pulubi doon? Umabot kaya yung budget ko? Pinilig ko ang nasa isip at agad na umalis ng condo. I bring my white shoulder bag kung saan ay nakalagay ang mga gamit ko.

Pagkababa ko ng building ay nandoon na ang cab driver na binook ko kanina. Sinabi ko sa driver ang address at agad kaming umalis sa VNC. Umabot ng mahigit tatlumpong minuto ang byinahe namin. Pagbaba ko pa lamang ng sasakyan ay parang gusto ng umatras ng mga paa ko sa rangya ng lugar. Wala kang makikitang pumapasok na simple lamang ang suot, lahat ay elegante. Kung maganda ang damit ko ay tiyak na basahan lang ito sa kanila.

Mahigpit ang hawak sa shoulder bag ay binagtas ko ang daan papasok. Inaasahan man ay nagulat pa rin ako sa ganda ng loob ng hotel. Puno ng liwanag dahil sa mga nakapalibot na mararangyang chandelier. Ang suot na sapatos ko ay lumilikha ng tunog dahil sa marmol na sahig. At ang mga tao ay halatang mga bigatin.

"Excuse me, ms." Tawag ko sa receptionist.

"Good evening, ma'am. How may I help you?" Magiliw itong ngumiti sa akin.

"Is there any reservations under the name of Nadia Castueraz?"

The receptionist girl snapped. "Are you Ms. Dianne Yñarez?"

I nodded. "Yes, Ms."

"Ms. Castueraz already informed me about your arrival. She's in the rooftop, ma'am. You may use that elevator to go there." Still politely smiling, she instructed me.

I nodded and thank her.

Wala akong kasabay sa elevator kaya medyo kinabahan ako. Malay ko ba na baka bigla akong mag stuck dito. Mabuti na lamang at nakarating ako sa rooftop ng mabilisan kaya nawala na sa utak ang iniisip ko.

"HAPPY BIRTHDAY, DIANNE!!"

Pagpasok ko pa lamang ng rooftop ay halos mapapitlag ako nang biglang bumukas ang ilaw. Doon ay malinaw kong nakita ang lahat ng nandoon. Ang mga kapatid ko, si Nade, si Iñigo, ang mga kaibigan ni Vyn, ang daddy nila Nadia at Vyn at ilang mga waiters. They are all smiling widely while looking at me.

Nilibot ko ang paningin para hanapin ang pigura ng isang taong ilang araw ko na ring hinihintay ngunit wala. The rooftop is sorounded by a small fairy lights that makes the place more magical. The tables are neatly arranged with a small center. The foods are arranged at the long table beside. May mga cupcakes and sweets pa sa gilid.

Love at First TouchWhere stories live. Discover now