Chapter 11: Horny as hell

1K 49 6
                                    

Kristoff

"What happened to him?" narinig kong tanong ni Wes. At bago makasagot si Vincent, nagsalita ako. At kahit sarili ko, hindi ko maintindihan ang lumabas sa aking bibig. Parang batang pilit matutong magsalita.

"Hyme fhine," at saka muling isinandal ko ang aking ulo sa mesa.

I'm drunk. Umiikot na paligid ko, kahit ang aking paningin.

Ako yata ang nakaubos sa isang botelya ng scotch.

"Fine?" hindi makapaniwalang turan ni Wes, may kalakip na aliw sa tinig nito.

I scoffed.

"Parang nakita ko na itong eksenang ito," si Vincent. "Kaya ayaw kong ma-in love eh!" may malaking pagkadisgustong turan ni Vincent.

Kung bitter si Laurent sa pag-ibig, si Vincent ang pinakatakot umibig.

Though he's not too open about it. Hindi ko alam kung anong rason, but sure something in his past was the cause.

At ako? Takot sa pag-ibig?

Hinde, takot akong matulad sa aking ama.

At naniniwala akong ang ating emosyon, nakokontrol ng ating isip kung gugustuhin natin. It's a choice.

And that's my belief.

Bumalik lang ang aking atensyon sa dalawa ng malakas na tumawa si Wes.

"Which reminded me of Max. And now, look at him? He's happy and contented," natutuwang saad ni Wes.

"Because she found the right woman," turan ko.

"They are new. Give them a few years, and you'll see," negatibong saad ni Vincent.

I chuckled as I lifted my head, but instantly regretted it when I felt like the ground tilted, and bile rose to my throat.

"Shit!" wala sariling himutok ko, then dropped my head back on the table, causing the bottles to jostle.

"Your drunk, man. Iuwi kana namin," si Vincent.

"No!" magkasabay na protesta namin ni Wes.

"Hindi pa natin nalalaman ang pangalan ng babaeng nakahuli sa mailap na gagong ito," tuwang-tuwa na utas ni Wes.

Kung hindi lang parang sumasayaw ang aking paligid, at tila ako masusuka, kanina ko pa inumbagan si Wes.

"Anong pangalan niya?" tanong ni Vincent sa tonong wala namang interest. May pagmamadali pa sa tinig nito.

At dahil sa wala ako sa tamang huwisyo at lasing na ako, kusang lumabas sa aking bibig ang pangalan ni Angge.

"Ang...he."

"What?" tanong ni Wes.

"Ang he?" pag-uulit ni Vincent.

"Ang bantot naman ng pangalan. Maganda ba ito? At tila kinain na ng katinuan mo," komento ni Vincent sa hindi natutuwang tono.

"Ang hrre," pag-uulit ko at pinabagal ko pa para maintindihan nila ngunit mas lalong nagkandabuhul-buhol ang aking dila.

"Angre?" si Wes.

Nagtawanan ang dalaga at nainis ko.

"Anghelina," sabi ko sa buong pangalan ni Angge.

"Oh Anghel," si Wes. "Nasaan siya?" tanong ni Wes.

At wala na nga ako sa aking isip. At hindi ko narin kontrolado ang aking dila. "Nasha bahay," sagot ko.

"What?!" magkasabay na turan ng dalawa.

Billionaire's Den (Black Omega Psi Series 4)Where stories live. Discover now