6

91 7 1
                                    


Winnie

"Five little monkeys humpy dumpy
mama called the doctor and the doctor said pag bilang ko tatlo naka tago na kayo na naka upo subukan nyong tumayo I wanna be a tutubi a twinkle star haw haw di carabao di batutin." Malakas kong kanta habang palabas ng kwarto ko.

Confident akong kumanta ng malakas kasi alam ko namang walang tao sa katabi kong dorm. pero kung meron man wala parin akong pake, kumanta rin siya kung naririndi na siya sa boses ko.

"Victor bilisan mo!" Malakas kong sigaw

Iniwan ko kasi siya kanina sa hapagkainan kasi dito siya nagbreakfast pero mukhang hindi pa ata siya tapos. bakla talaga kumilos.

"Sandali! huhugasan ko lang ito." Malakas niyang sagot.

Nauna na akong lumabas kasi nakakaramdam ako ng init. wala kasing aircon dito kaya kapag gabi nasa loob lang ako ng kwarto kasi may nag iisang electric fan ako do'n na mukhang napulot pa ni victor sa basurahan.

Saktong paglabas ko ay siya namang pagbukas ng kabilang dorm sa tabi ng kwarto ko. gulat ang gumuhit sa mukha ko ng iluwal ng pintuan si Miss Soriano na naka poker face nanaman. sandali niya akong tinignan bago naglakad at nilagpasan akong bubukas sarado ang bibig.

Gosh! hindi ko man lang nagawang batiin siya dahil sa kahihiyan ko, alam kong narinig niya yung pagkanta ko kanina kasi masyadong malakas boses ko tapos nagsigawan pa kami ni victor.

Hindi kasi semento ang pagitan ng dorm niya sa kwarto ko.

Ano ba naman yan.

Puro reklamo pa ako kanina sa kwarto ko kasi hindi ko mahanap yung P.E ko.

What if naturn off na siya sa akin kasi pangit boses ko? tapos ang burara ko pang babae edi hindi na niya ako papayagan na maging kabit niya

Wala na, turn off na sakin sugar plum plum ko.

"Oh nakabusangot ka nanaman." Saad ni victor na kalalabas lang

Inihagis ko nalang ang bag ko at nauna ng maglakad

"Malalate na tayo, wag kana mag inarte r'yan." Pilit pa sa akin ni victor.

Nakangiwi akong nakatingin sa jeepney, jan daw muna kami sasakay kasi bawal namin gamitin yung van kasi pinagbawal ni grandpa para hindi raw makaagaw pansin sa mga tao rito.

Grabe talaga ang matandang 'yon. wala pa nga isang linggo na wala ako sa mansion grabe na niya ako pahirapan sa pamumuhay ko rito. hindi na nga ako nagreklamo sa maliit na dorm at mga lumang gamit. which is okay lang naman sa akin as long as hindi niya pinapakialaman yung mga gusto kong gawin.

"Makautos akala mo ako ang sinasahoran." Irap ko sa kanya.

Hindi naman ako nag iinarte, natatakot lang ako kasi hindi siya gaya nung van na pwedeng isarado ang bintana at pintuan.

"Tara na kasi, masaya nga sumakay jan kasi makakalanghap ka ng sariwang hangin."

May point naman siya.

Pointless nga lang.

Labag sa loob kong sumunod sa kanya. no choice naman ako kasi malalate na kami, alangan naman kasing lumipad ako papuntang university. buti sana kung ako si darna.

Utak lang kasi ang lumilipad sakin

"Sasakay ho kayo? saktong dalawa nalang po ang kulang." Tanong ng isang lalaki sa baba ng jeep.

"Mauna kana." Sabi ni victor.

Labag sa loob kong sumakay, sa may pinakadulo ang space kung saan may babaeng nakaupo nahaharangan ang mukha niya dahil sa katabi niya, pero yung suot niya ay parang ito yung suot ni Miss Soriano kanina.

WHO'S THE KILLERΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα