CHAPTER 1

10 3 0
                                    

MARU'S POV.

'Hi maru. bakit ka lumipat ng channel? pasensya kana' chat ni acarie sakin. 

nagulat ako dahil minsan ko lang siya nakakasama sa laro. infact hindi kami close talaga at nakilala ko lang siya dahil kay sheldon aka shadow. dahil recruiting kami ng members sa clan namin at ng sumali nga si acarie.

kasama niya pa nga yung aroganteng partner neto.


'Ayos lang, sanay na ako sa tropahan, ganyan talaga sila' reply ko. bago nag alt tab at pipili sana ng pakikingan sa playlist.


'Balik kana' chat agad neto.


'Mamaya nalang lods' chat ko at tinatamad na. 


'Bakit lods tawag mo sakin, pwede naman BABY' napanga-nga ako sa chat niya at biglang kinabahan.


lakas naman makaapekto ng taong to. parang walang jowa lang

'may boyfriend ka lods, malalagot tayo jan' chat ko nalang habang kinakabahan.

'wala na. kung gusto mo ikaw na ngayon' reply niya. literal na nahulog ako sa kinauupuan ko.

nagbibiro ba 'to. nako. hindi ako pwede sa ganyan par.


nag iisip pa ako ng kung anong irereply sa chat niya na yun ng may bigla siyang sinent na link. link to ng facebook niya

'add mo ko sa facebook, mas active ako doon kesa dito' chat neto na may heart pa na tatlo. malikot naman ang kamay ko para agad na macheck ang facebook niya at napahanga. 

 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


sa kalog niyang 'to mukha siyang bata sa profile niya

'ano yan ?' chat ko. patay malisya sa sinent niya na nabuksan ko na

'facebook, akin na facebook mo, add kita. baby' ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

ngayon lang ako naka experience ng ganito. grabe naman 'to mang trip pag single.

'wala akong facebook' pag sisinungaling ko

'sayang. edi sa discord nalang tayo mag usap' chat ne'to. pinipilit kong mag reply na kunwari walang epekto sakin ang ginagawa niya. 

pero deep inside, naiimagine ko na siya na kaharap ang monitor niya at KINIKILIG AKO.

ang ganda niya kasi. ano kaya sa personal ?

MARU PINAG GAGAWA MO?, HINDI MO PA KILALA ANG TAO

napabuntong hininga ako.

kakabreak niya lang, nag hahanap na siya agad ng bago. hindi ba unfair yun sa ex niya ?

hindi ko nalang pinansin ang iba niyang chat at nag laro nalang ako ng dota. lumipat din ako sa channel na exclusive lang samin apat. dahil nahihiya ako.

maya maya lumipat na din ang tatlong bugaw sa channel

"pre pre. ano nag chat?" bungad ni shadow. nagtaka naman ako, panong ?

"teka. nag chat nga??? hahahaha" habol nito. tawang tawa naman to sa kabilang linya.

"ginawa mo shadow?" tanong ni gaspar

"sabi ko kay acarie na crush siya ni maru, at nahihiya mag first move" palong palo parin ang tawa nito.

"gago ka talaga shadow" natatawa na din na saad ni quianshi

tahimik lang akong nakikinig sa kanila, bugaw na bugaw nila ako kay acarie porket single na.

"wag kana mahiya tol. wala ng bakod" natatawa parin na saad ni shadow. kung kaharap ko lang 'to kakaltukan ko 'to. pasalamat siya eh nasa ibang block ang bahay nila

"pinag t-tripan niyo talaga ako" malungkot kong saad. bigla naman natauhan ang mga kolokoy.

"sorry pre. ang cute mo kasi kiligin" kunwari umubo si shadow. "tara g na"

di nalang ako nag salita at nag laro na kami buong gabi hanggang mag alas dose.


"mga pre mauna na ako" paalam ko ng makita kong alas dose na. gigisingin pa kasi ako ni mama mamayang alas singko ng umaga para samahan siya mamalengke para sa agahan  namin. ayaw niya kasi na ibang tao ang mamimili ng lulutuin niya. ganoon sila kaselan.

"sige pre. bukas ulet. ay mamaya pala" habol ni gaspar bago ako nag log out. 

pero bago ako nag shut down ng pc, sinilip ko muna ang channel kung nasan sina acarie kanina at mga kaibigan niya. to my surprise.


'nandon siya. mag isa.'

may kasama pa siyang bot na nag p-play siguro ng music. hindi ko mapigilan sarili ko at sumali ako sa channel niya. parang naaawa ako sa kanya.

"oh maru, anyare?" bungad nito na parang hyper na hyper. anong oras na.

"nakakagulat ka. chineck ko lang kung-" hindi pa ako tapos magsalita ay nagsalita na siya

"nagpapaantok lang, medjo antok na din. goodnight" mabilis na saad nito at nag mute. 

-_- ok.

umalis na ako sa channel at pinatay ang pc ko. 

humihikab akong humiga sa kama pero yung utak ko ayaw maalis sa chat namin kanina ni acarie. para akong kinukuryente. 

ngayon ko lang napag tanto. ngayon lang siya nag open mic. lagi kasi kung naka open mic siya ay wala kami sa channel. kadalasan niyang kasama si nathan at ianthele na mas close niya.


Hanggang sa antukin. naka tunganga ako sa profile picture niya sa facebook.

'mahilig ba siya sa stuff toys?' bulong ko sa sarili at pumikit


Against All OddsWhere stories live. Discover now