CHAPTER 3: FIRST DAY

10 4 0
                                    


Reminder : PLAGIARISM IS A CRIME

dedma sa bashers 💅🏼
pake ko sainyo
_______________________________________________________

MAVEN'S POV :

Saktong 5:00 ako nagising sa tulong narin ng aking alarm clock kaya bumangon nako't gagawin ko pa ang mga dapat gawin ngayong araw.

Sa mga 'di nakaka alam,Ngayon lang naman ang unang pasok ko--este unang pagtuturo pala kaya medyo very light excited akong pumasok. Medyo napaaga masyado nga lang ang gising.

Nang matapos makapag ayos ay humarap muna ako sa salamin dito sa kwarto na kita buong katawan ko.

"Eyy outfit check mga gar" ani ko sa harapan ng salamin habang ginagawa kung ano yung nakita ko sa TikTok na 'outfit check' kuno.

Matapos ang kalokohan sa harap ng salamin ay bumaba na Ako't pumuntang kusina para makapag almusal.

And btw Ang outfit ko Ngayon ay desente naman tingnan,Yung rerespetuhin ka talaga ng mga istudyanteng makaka kita sayo Kase Mukha Kang napaka very good na teacher kahit Hindi Naman.

Para s'yang Yung pang office attire pero Hindi skirt Yung akin sa pambaba, it's a slack at Yung kabuuang kulay ng suot ko Ngayon is Gray. Naka messy bun lang din Ang buhok ko Ngayon Kase Wala Naman akong maisip na ibang ayos dito dahil sa tinamad nanaman akong mag tirintas.

At dahil nga sa sinabi ko kani kanina lang na magiging very good teacher Ako,gagawin ko Nalang strict na very good teacher para mas astig.

Matapos mag agahan ay bumalik ulit ako sa kwarto para kunin ang naiwang salamin (eyeglasses) sa vanity table ko bago lumabas na ng bahay.

(~ wantawsan milyon yers later ~)

Matapos Ang ilang years ay andito narin Ako sa hallway naglalakad at hinahanap Ang punyawang room na pagtuturuan ko.

Yung sinabi ko kahapon about sa location ng room na papasukan ko ngayon--na Akala ko nakalagay rin sa folder? ha!! yawa! binabawi ko na dahil nang tingnan ko Ngayon e Hindi Naman Pala talaga nakalagay Arghhhh!!!!!!!!!!

Jusme first day na first day bad trip na kaagad ang ferson na ito!

Bwakanang inis Kase!!

Mag iisang Oras nako kakalakad rito't lahat 'diko parin mahagilap Ang room na Yun. Buti sana kung maliit lang tong paaralan e,pero hindiiii.

Pagmina malas nga Naman oh,sa dinami daming pwedeng 'd maibigay sa akin ba't Ang lokasyon pa ng room na pang hahawakan ko??

Tyaka,asan ba Ang bwakanang mapa ng bwakanang paaralan nato??

Takte,alam Naman nila kung gaano kalaki't kalawak itong paaralang ito ba't 'd man lang nila maisip na mag bigay rin nang putang-nang mapa!!!!!!!

Like wth? Kanina pa ako tusta sa init ng araw na dumagdag pa talaga sa problema ko ngayon.

Kahit andito nako sa hallway nag lalakad e natatamaan parin ako ng init ng araw kaya sinong magandang dilag ang 'd maiinitan sige nga?

Wala rin akong mapag tanungang mga tao rito sa kadahilanang hindi ko alam. Bah! malay ko ba sa mga pinag gagagawa nang mga tao rito,wala rin naman akong balak pang mag aksaya ng oras para lang malaman ang dahilan nila tss.

.......................

TANGINA LATE NA TALAGA AKO!!!!!!!!! pag sigaw ko sa aking isipan na may kasama pang pag hilamos sa mukha dahil sa inis na nararamdaman nang mapadako ang aking tingin sa relong suot suot.

Pulbos lng din Naman ang nilagay ko sa mukha ko kaya okay lang na guluhin ko ito dahil pwede rin naman akong mag lagay uli mamaya.

Habang pinapa sabog na ang paaralang ito sa aking isipan ay laking pasasalamat ko nalang nang mula rito sa kinatatayuan ko sa hallway ay may nahagip ang mata ko na isang janitor na kalalabas lang siguro ng comfort room ng mga lalake.

Syempre wala na akong sinayang pang oras at agad na s'yang nilapitan para mag tanong, medyo nagulat pa nga ito sa tinanong ko e pero sinagot n'ya rin naman.

Sinunod ko nalang ang direksyon na sinabi sa akin ni Tatang at para naman akong nabunutan ng tinik nang ngayon ay nasa harapan ko na ang room na hahawakan ko nang mga isang taon siguro mahigit? But nevermind.

"Section Hope" mahinang pag basa ko sa karatulang naka dikit sa pint--pinto paba toh?

Hmm, Section Hope?..nice name..pag-asa ng bayan

Anyway,to inform you pala,itong room nato is nasa building II at pinaka dulong parte nang huling palapag which is ang third floor.

Pansin ko ring---ay mali mali,kitang kita pala nang napaka linaw kong mata ang super duper ultra megang dami nang mga naka tambak na kalat sa tapat ng silid na ito..not literally sa tapat kase hindi naman nahaharangan ang sa may pinto parte..at rinig na rinig ko rin ang ingay na nang gagaling sa loob mula dito sa kinatatayuan ko.

Asan yung Hope dito?

Pag-asang malinisan ba ang classroom nato?

Tss nag-iingay na ampupu..Akala siguro wala silang teacher ngayon e late lang naman ako.

Tss pag na aalala ko tlg ang kaninang pagod ko naiinis lalo ako e..grabe ba!

Eto naba ang magiging unang classroom ko sa pagiging guro?

Like heck, napaka swerte ko naman ata kung ganun insert the sarcasm na lang tss

Mukhang may ideya na'ko kung anong klaseng mga istudyante ba ang nasa likod ng pintong to ah.

"Good luck self."






__________________
End of chapter 3
Tangkyuuuuuuuuuu

Reminder : PLAGIARISM IS A CRIME

byeeee and luvlots 🫶🏼

A So Called Teacher Where stories live. Discover now