02

85 2 0
                                    

"August, mamahinga ka raw muna." I looked at her for a moment and shook my head. 'Tsaka na ako mamahinga kapag laban na ni Xen, anong oras na rin naman.

Today is the start of the sport fest. Dito kami na-assign para bantayan ang mga papasok, ang iba naman ay nasa stall at nag-checheck ng room. Our president said that it is not allowed to stay in the classroom.

Mamaya pa ang laban ni Xen and I'm helping them so that later I can hangout with my friends. Ayoko naman maging alipin ng University, 'no. Kailangan ko rin ng me time.

"Mamaya, 'di pa naman ako pagod." Sagot ko at binalik ang tingin sa mga estudyante na pumapasok. Tinitingnan kasi namin kung may mga dala silang inappropriate sa rules ng University.

Utos din ng head dahil sa nangyari last year. May nagdala kasi ng patalim at alak dito, mga siraulo.

"Bawal 'yan, lapag mo rito 'yan." Ani ni Robert sa kausap n'yang lalaki na halatang kinabahan. "Labas mo na o gusto mo pang mapunta sa detention?" Walang nagawa ang lalaki at inilabas ang dalawang beer na nasa can. Tulis talaga ng mata n'ya. Kasama naman namin ang guard dito pero isa lang s'ya, may makakalusot pa rin kung siya lang.

"Pasok na," tulak n'ya roon. Napakamot naman ng ulo ang lalaki at umiling na naglakad palayo. Halatang nainis din pero walang magawa. "Alam na bawal ang alak, magpapasok pa."

"August, shot natin ito! Dami na nito." Napailing naman ako at lumapit sa kaniya, ang dami na nga niyang nakuha. Iba't ibang brand pa 'yon. "'Di naman magagalit si Pres, sali na lang natin s'ya. Kung gusto niya lang din naman."

Hinampas ko siya sa braso at ngumiwi naman s'ya. "Sira, sa tingin mo ba umiinom 'yon? Ni hindi nga natin makausap ang isang 'yon."

"Nakakausap ko siya, kalandian ko nga--"

"August, Robert." Robert and I looked at the person who called us. Gago. Ang scary n'ya talaga tumingin, para na n'ya akong papatayin.

Maliit si Pres o sabihin natin hanggang tainga ko lang s'ya? Nakasuot siya ng PE uniform, meron black line sa hem ng t-shirt niya, sign na kabilang siya sa officers. Ganoon din ang PE ko at nasa likod ang program na kinukuha ko.

May logo rin naman sa right side at nasa baba no'n ang position n'ya. President.

"Hello, Pres!" Bati ni Robert at kumaway. Lumapit naman sa 'min si Pres at bumuntong-hininga.

"Mamahinga muna kayo, ako na ang bahala rito." Malamig n'yang sabi at kinuha ang stick na hawak ni Robert. "Hindi na, samahan na lang kita." Anas ni Robert at ngumiti ng malawak. Simp.

"Okay, just call me if you need help." I smiled and bid my good bye to them. Her smile didn't escape me which made me smile too, she rarely smiles.

Naglakad ako papunta sa cafeteria kung nasaan ang mga kaibigan ko at mabuti na lang ay nandito lang sila, kumpleto na.

"Sa wakas, dumating na si Vice!" Xen shouted which made us laugh except for Eren who was busy with Rubik's cube. "Grabe, kinakabahan ako sa laban ko mamaya."

"OA," sambit namin tatlo na sinamangutan n'ya. Ang pangit n'ya talaga kapag gumaganiyan s'ya, suot na niya ang jersey n'ya na may number na twenty five. "Sus, mas OA nga kayo!"

"Ba't ngayon ka lang?" Tanong na lang ni Artemis sa akin na katabi ko ngayon. Inabutan n'ya ako ng fries na kinuha ko rin agad.

"Walang kasama si Robert do'n, mabuti at dumating si Pres." I said and looked at them. "Inom tayo mamaya. Celebration."

"Celebration?" They asked at the same time, Eren also stopped what she was doing and looked at me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 7 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Her Light | Scout Series #1Where stories live. Discover now