RO.1

3 0 0
                                    

Characters:

Yalena Eraine Vesegas
Eiren Dustair Contretras
Vesegas family
Contretras family

Warning: This is a work of fiction,events,characters,Setting,plot and grammatical errors.

Start...

Eya's Pov:

"Hi guys!" Bati ko sa mga kaklase ko pero di nila ako pinansin. Ayan na naman tayo, lagi ako left out sa mga kasama ko kahit may gala sila di nila ako inaaaya hayss... What if...umalis na lang ako sa COF? Mas maganda kaya.

Tsaka...walang ingay...hehe

"Hey...are you okay?" Napalingon ako sa kung sino ng makita ko ang makisig na mukha nito. Grabe sa sobrang kisig ng lalaking to, di na tuloy ako maka-alis ng tingin sakaniya.

"Ahhh miss?" Napabalik naman sa realidad ang isipan ko kaya di ko namalayan nakatingin na pala ako sakaniya ng matagalan.

"Sorry, natulala lang." Hiya na sabi ko.

"Deny ka pa...kitang kita ko sa mga mata mo." Nagulat naman ako at napalingon ulit sakaniya na nakangiti sa ngayon. Akala ko ngingisi naman siya.

"Hindi no! Tsk! Kailan pa ako naging denial person?!" Palusot ko pero totoo naman, ang talino kasi ng isang to.

"Sige, sabi mo yan." Sabi niya at tumalikod na ito at umalis ng classroom. Ako na lang pala ang mag isa sa classroom kaya nag decide ako na umalis na din.

Pag alis ko ay ni-lock ko deretso ang classroom, ako nga pala ang nag hahawak ng susi samin pag wala ang adviser namin kaya palagi sakin binibilin ang susi sakin. Ako nga pala si yanela eraine vesegas, nag iisang anak ng vesegas family at wala din akong mga kapatid, syempre kasi nga sinabi kong nag iisang anak lang ako at tanging mga kamag-anak ko lang ang naging close ko simula bata pa ko. Hanggang ngayon wala pa rin akong kaibigan kaya lagi left out.

"Hi! Ikaw po ba ang anak ng vesegas family?" Tanung ng kung sino.

"Ahh-ako po. Bakit po kayo napatanong?" Ngumiti siya at may binigay na isang libro na pinamagatang 'Reach Out' ewan ko pero di ko naman kilala ang babaeng to pero pinamigay niya sakin.

"Ahh-para saan to?" Nervous na sabi ko.

"Bigay yan sayo ng anak ko, she's a fan of you since her childhood days." Nag pakuha naman siya ng picture na kasama ako at ginawa ko naman. Hanep...di naman ako famous para mag pa picture sa ganito.

"Thank you po." Sabi ng babae at umalis na. Ngumiti ako at dumeretso na pababa. Walang katao-tao sa paaralan kaya siguro umuwi na rin ako bago pa ako gabihan dito.

Nang makauwi na ko sa min, ay dumeretso mo na ako sa kwarto ko at binagsak ang sarili ko sa pagod. Maya maya may tumuktok kaya pinapasok ko naman.

"Kuya?" Sabi ko.

"Eya, pwede mag hingi ng pabor sayo?" Lumapit ito at umupo sa kama ko.

"Sure kuya, ano yun?"

"Tulungan mo muna si mama dito, aalis ako at mag hahanap ng bagong trabaho, kaya wag kang alis ng alis ng bahay, bantayan mo si mama kung ano ang pinapautos sayo sundin mo." Niyakap ko si kuya at niyakap din ako pabalik. Hindi naman niya sinabi ko saan siya pupunta sabi mag hahanap daw ng trabaho para matulungan kami ni mama.

"Sige kuya, paano na ang pag aral ko?" Napa-isip siya bago mag salita.

"Kaya mo yan pag samahin, wag ka lang mag pa stress, mag pahinga ka din." Sabi niya at ginulo ang buhok ko at umalis na ng kwarto ko. tinignan ko ulit ang ceiling wall at napa-isip na lang what if basahin ko yung libro na binigay sakin ng anak ng babae kanina. Maganda cover ng book niya at nagustuhan ko pero di ko pa siya nababasa.

"Reach out... Ano kaya ibig sabihin nito." Ang nasa isip ko manunulat ang anak na nag bigay sakin ng libro kanina kaya napa-search ako kung ano ang kahulugan nito. Maya maya ay nag bihis na ako at pumuntan na rin sa banyo para mag self-bath.

Pakatapos nun ay kumain muna ako saka na ako bumalik sa kwarto, wala daw si mama ngayon nasa ibang bansa nag trabaho siguro di alam ni kuya to dahil saakin lang naman siya nag paalam at di kay mama. Ako lang mag isa ngayon sa bahay at nandito na ako sa loob ng aking kwarto.

Napag-isipan kong mag basa na lang para di boring, lowbat pa cellphone ko at wala naman iniwan ang mga subject teacher namin na gawain kaya nag basa na lang ako.

Kinuha ko yun sa study table ko at binuklat na ang unang pahina.

Maya maya sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay may naramdaman akong kakaiba sa katawan ko. Pag tingin ko sa mga kamay ko ay parang nag va-vanish. Hala! Ayoko pa mamatay! Tulong!!!!!!!

Reach Out (Maikling Kwento)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن