Chapter Three

19.9K 391 10
                                    

The Perfect Subject by LittleRedYasha

Chapter Three

"Ate, paturo naman ako ng assignment,o,"

Nasa sala kami ni Tita Thesa, nang lapitan ako ni Helga, at nanonood ng tv.

"Akin na, patingin," sabi ko naman at inabot ang notebook niya.

"Hannah, wait, you should see this," agaw ni Tita Thesa.

May isang partikular na news feature ang naka-flash ngayon.

"MATAPOS ANG HALOS ANIM NA BUWANG PAGLILITIS, NAPASAKAMAY NA RIN NG MGA MAGSASAKA NG HACIENDA ISABELA ANG LUPANG MATAGAL NA NILANG IPINAGLALABAN SA TULONG NG NAPAKABATA PA NGUNIT MATINIK NA ABOGADONG SI ATTY. LUIS ALFRED ALCARAZ KONTRA SA PAMILYA ALARCON NA UMAANGKIN DIN DITO.. ."

And the rest of the details followed hanggang sa may ipinakitang interview clip ng isang young-looking lawyer, may intriguing aura at with very attractive physical appearance.

"Masaya akong maibigay sa mga kliyente ko kung ano man ang nararapat para sa kanila," tipid nitong tugon.

Helga was giggling nang matapos ang balita.

May crush siya sa kung sino mang abogadong yon? Mukha namang hindi palangiti.

"That Alcaraz guy, isang katulad niya ang kakailanganin natin para manalo laban sa Tita Sylvia niyo. He is very exceptional. Hindi pa siya natatalo sa lahat ng mga kasong hinawakan niya," sabi pa ni Tita.

"Hindi po ba napakabata pa niya?"

"Oh, no. Hindi siya pwedeng maliitin dahil sa edad niya, Hannah. Marami na siyang napatunayan. Hindi ang katulad niya ang mababayaran ng madrasta mo,"

"Madali ho ba siyang lapitan, Tita? Kung saka-sakali, mahihingi ba natin ang tulong niya?"

"Are you thinking of getting his service in this case, hija?"

"Yes, Tita. Kung magaling nga siya at kaya niyang ipanalo lahat ng kasong mahawakan niya, then bakit hindi ang kaso natin? Tita, konting panahon na lang ang kailangan ko at makakapagsampa na rin ako ng kaso,"

"Oh, Hannah," ani Tita at ginagap ang palad ko."Marami namang mga magagaling na abogado sa bansang ito pero duda ako kung kasing galing sila ni Atty. Alcaraz. Baka mahirapan tayong kunin ang serbisyo niya. Ang balita ko kasi mahal ang paunang bayad mapapayag lang siyang tanggapin ang isang kaso,"

"Tita, wala akong pakialam. Gusto ko pa ring magbakasakali. Kapag nabawi na natin ang mga kinuha ni Tita Sylvia sa atin, everything will be worth it. Mababayaran natin ang serbisyo ni Atty. Alcaraz kahit gaano pa kataas ang service fee niya," matatag na sabi ko.

Siguro nga desperada lang talaga ako. Naniniwala kasi ako na wala akong dapat na aksayahing oras sa mga pagkakataong ganito. Walang karapatan si Tita Sylvia sa anumang pinaghirapan ng mga magulang namin para sa amin ni Helga. I have to see that Atty. Alcaraz sa lalong madaling panahon.

***

<Luis Alfred>

"LA,"

"Travis,"

Tumayo agad si Travis sa table niya at kinamayan ako. Tinawagan niya akong magkita kami dahil may hihingin daw siyang pabor. Sa isang restaurant lang kami nagkita.

"I'm glad pinaunlakan mo 'ko, dude."

"No problem,"Kagaya ko, artist din si Travis."So tungkol ba saan yung pag-uusapan natin?"

"May gagawin akong exhibit at the end of this month,"

"Oh, that's cool. Finally,"

Bilang half- Irish, madalas nag-i-exhibit si Travis sa UK. Actually, sa Europe talaga siya sumikat at dahil sa may dugo siyang pinoy, nakilala din siya dito.

"At ikaw lang ang makakatulong sa'kin. Since first time ko ang magdisplay ng mga artworks ko dito sa Philippines, I don't have my own gallery,"

"Of course, you can borrow my art gallery," sabi ko.

"Luis Alfred, I always knew I can count on you!"

"Tss. Parang ito lang,eh,"

At nag-apir kaming dalawa.

"Thank you talaga, dude,"

"Just tell me when's the exact date. I'll help you organize,"

***

Luis Alfred Alcaraz, 29, isa sa dalawang anak ng mag-asawang Lucio Alcaraz na isang batikang court judge at Almira Alcaraz na isang sikat na landscape artist.

He ranked one sa Bar exam.Two years pa lang siyang nagpa-practice ng kanyang profession pero nagtala na agad siya ng magandang records at wala pang naipatalong kaso ni isa.

Pero bukod sa pagiging abogado, kilala din siya sa mga nakakamangha niyang paintings at kada taon na lang ay successful ang kanyang mga art exhibits.

Matatawag din siyang philanthropist dahil ang mga kinikita niya ay dinu-donate niya sa mga charities.

Okay. Sa tingin ko nga nakakabilib ang background niya ayon na rin sa Google. Tiningnan ko din ang mga kasong hinawakan niya. Ang napansin ko lang, lahat ng mga naging kliyente niya ay iyong mga maliliit na organisasyon at iyong mga tipong mga nadedehado ng mga makapangyarihan.

Walang ipinagkaiba ang kaso namin sa mga hinawakan na niya kaya mas lalong humigpit ang paniniwala ko na siya nga ang makakatulong sa amin.

"Ano, friend, ang gwapo niya, 'no?" kinikilig na sabi ni Cheska na katabi ko habang nagsi-search.

"Ano ka ba naman, hindi ito ang panahon para magka-crush ka sa kanya, Cheska. Ang lalaking ito, kailangan ko siyang makausap sa lalong madaling panahon para mahingi ang tulong niya,"

"Ikaw naman, parang nag-comment lang. Pero pa'no mo nga siya makakausap? Wala naman tayong number niya tsaka napaka-private na tao niyan,"

"Tutulungan naman daw ako sabi ni Tita. Somehow may idea siya sa mga charities na tinutulungan ng taong 'to,"

"Go, friend. Sana magtagumpay ka sa hakbang na gagawin mo,"

"Sana nga, Cheska,"

Pagdating ko sa bahay, nandoon na si Tita. Bukod sa pagtulong sa pamilya namin na pamahalaan ang kompanya, may flower farm na business si Tita.

"Hannah, I have good news for you,"

"Ano 'yon, Tita?"

"Alam ko na kung paano at kailan mo makakausap si Atty. Alcaraz,"

"Papaano po?"

May iniabot siya sa aking invitation.

***

Please do cast your votes and leave your comments, guys. Thanks! Mwah!

-LittleRedYasha

The Perfect Subject (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now